Matagal na nanahimik si Papa habang nakatitig sa akin, halatang nag-iisip ng tamang sasabihin.Ako ang unang umiwas ng mata. Bumigat ang dibdib ko sa klase ng titig niya.“I won’t tell her,” sabi niya sa wakas.Bahagya akong napabuga ng hangin, pero hindi pa rin ako makatingin sa kanya.“But you will…” dagdag niya, mas mababa ang boses. “You’re the one who should tell her.”Dahan-dahan kong hinagod ang gilid ng neck brace ko, na parang mas humihigpit, mas hindi na ako komportable.“I’m… scared, ‘Pa,” amin ko, halos hindi marinig ang boses ko.Hindi siya sumagot, pero paulit-ulit na bumuga ng hangin.“Ano ang mas nakakatakot, malalaman niya sa iba, o ikaw mismo ang magsabi?”Nahagod ko ang buhok ko. Para akong nahilo; umikot ang paligid. Mukhang lahat ng dapat kong maramdaman kanina sa aksidente, ngayon lumabas lahat.Para akong nalulunod, nasasakal.“Sasabihin ko rin sa kanya,” sabi ko sa wakas, pero mabagal, halatang napipilitan lang. “But not now. I need to gather the courage.”Pinis
더 보기