JyroneMaaga kaming dumating ni Ferly sa ospital. Pero gising na gising na ang lahat ng tao sa loob.Pagpasok namin sa kuwarto ng lola niya, agad bumungad si Daniel, nakaupo sa silyang nasa gilid ng kama, bahagyang nakayuko, hawak ang kamay ng matanda.“Bro…” sabi naman ni Leandro. Nakatayo sina Leandro at Mine sa may sofa, mukhang paalis na.Agad nagmano si Ferly sa papa niya.“Good morning po, Pa,” mahina niyang sabi, tumingin kay Lola Paz na tulog pa.Saglit tumingin si Daniel sa akin, saka tipid siyang ngumiti kay Ferly, tapos ibinalik ang atensyon sa lola.Lumapit si Leandro sa akin, seryoso ang mukha pero may pilyong ningning sa mata.“Bro, hihiramin ko muna kotse mo. Ihahatid ko si Mine sa kanila.”Umangat ang mga kilay ko nang mapatingin kay Mine na naglakad palapit kay Ferly.Ang mata naman ni Leandro, nanliit, parang pinipilit ako. “Here…” Binigay ko sa kanya agad ang susi.Alam ko eh… papalakas ’to kay Mine. Kaya pagbigyan ko na. Baka sakaling si Mine ang maging gamot sa su
더 보기