There was a look of gentle sympathy in Theodore's eyes, and finally, he pulled her into a warm embrace. Dahan-dahang humagulgol si Mallory sa kanyang mga bisig, habang nanginginig ang kanyang mga balikat. Marahang namang tinapik-tapik ni Theodore ang kanyang likod, parang isang magulang na pinapatahan ang batang nasasaktan. “Iiyak ko na ito sa huling pagkakataon para sa kanila,” sambit ni Mallory habang pinipigilan ang hikbi. Matigas ang kanyang tono, parang nagpapatibay sa sarili. “It’s alright,” malumanay na sagot ni Theodore. “Babayaran ko ‘yong lamang ng card na binigay mo sa kanila kapag nagtrabaho na ako. Kung gusto mo, pwede rin akong magsulat ng kasulatan na ibabalik ko ‘yon,” dagdag pa niya. Napangiti nang bahagya at napailing na lang si Theodore. Kahit sa ganitong pagkakataon, nasa isip pa rin niya ang mga bagay na iyon. “There’s really no need. This was always meant to be shared between us,” mahinahong sagot ni Theodore. Napangiti nang mapakla si Mallory. Pa
閱讀更多