Pagkatapos ng photo shoot, umalis na si Theodore. Naglakad siya palayo, at sa pag-alis niya, nadama ni Mallory ang isang kakaibang lungkot. Ngunit sa kanyang kamay, hawak niya ang tropeo, isang patunay ng kanyang tagumpay.Si Mallory, na bitbit ang tropeo at mga regalo, ay paalis na rin sana nang hindi inaasahan ay nakasalubong niya sina Iñigo at Julia sa may entrance ng hall kung saan ginanap ang patimpalak.Ang sandaling iyon ay tila mabagal, at ang tensyon sa pagitan nila ay ramdam.Nang makita siya ni Julia, umirap ito. Ang kanyang mga mata ay nagpahayag ng matinding inggit at galit, na tila ba'y hindi niya matanggap ang pagkatalo. Si Iñigo, na sa simula ay puno ng kumpiyansa sa kanyang pagkapanalo, ay nakakuha lamang ng ikalawang premyoNgayon, nakaramdam siya ng bahagyang awkwardness sa pagharap kay Mallory. Ang kanyang mukha ay bahagyang namula, at ang kanyang mga mata ay umiiwas. Hindi niya inasahan na mananalo si Mallory, lalo na at siya ang inaasahan niyang magiging kampeon
閱讀更多