Nasa kritikal na sandali si Jerwin sa kanyang nilalarong game. Nang hindi man lang tumitingala, nagpakawala siya ng isang naiiritang ungol. “Mm.”Pinigil ni Anabel ang kanyang kaba at pilit na ngumiti. “Bakit ka ba nagtatago rito at naglalaro mag-isa? Mahalagang araw ito para sa pinsan mo. Dapat ay nandoon ka sa labas, tumutulong at bumabati sa mga bisita, para na ring pag aaral mo ito sa pakikipag usap sa mga business partners sa hinaharap.”Nayayamot na sumagot ang lalaki, subalit patuloy pa rin sa paglalaro, "ano naman ang gagawin ko dun? Ang paplastic ng mga ngiti nila. Baka mamaya, mag lock lang ang panga ko kakagaya sa kanila. Wala akong pakialam diyan."“Ikaw talagang bata ka...” May namuong bara sa lalamunan ni Anabel. Ngunit nang maalaala ang kanyang plano, nilunok niya ang kanyang sasabihin, lumapit, at hininaan ang kanyang boses. “Anak, magpapatulong sana ako sayo.”Doon lang nag-angat ng tingin si Jerwin mula sa screen at sinulyapan siya. “Ano ’yun?”Mas bumilis ang kabog
Read more