Dalawang araw na ang lumipas pero hindi tumawag si Mason. Kahit si Neneng ay hindi man lang siya kinontak. Mukhang nag-enjoy silang lahat sa bisita nila at agad nalasahan ni Emerad ang pait sa lalamunan niya.Habang nakahiga siya sa kama ay biglang tumunog ang cellphone na nasa tabi niya. Taranta niya itong kinuha at agad na ngumiti, ngunit mabilis ding naglaho ang ngiting iyon. Hindi naman sa ayaw niyang makausap ang Papa niya, pero umaasa siyang si Mason ang tatawag.“Pa,” matamlay na tawag ni Emerad sa kabilang linya.“Anak, how are you? Kumusta kayo ni Mason?” mahinang tanong nito. Ang boses ng ama niya ay parang nahihirapan, tila may iniindang sakit.Umayos ng upo si Emerad bago sumagot.“We’re okay Pa, don’t worry. Inalagaan naman po ako ni Mason ng maayos,” pagsisinungaling niya.“That’s good, nice to hear that. I love you anak. I’m hoping that you can give a little apo,” sabi nito na may kasamang tawa.Napangiti si Emerad kahit gusto niyang umiyak. Gusto niyang sabihin sa kany
Last Updated : 2025-12-16 Read more