LOGIN
“Pa, ano bang sinasabi mo?” tanong ni Emerald sa ama niya.
Kumuha ng baso ang kanyang ama at sinalinan ito ng tubig mula sa pitsel na nasa ibabaw ng mesa.
“Gaya ng sabi ko kanina, dapat magpakasal kayo ni Mason. Iyon ang huling kahilingan ng mama mo, di ba? Kaya bago ako mawala sa mundo ay kailangan kong tuparin ang huling kahilingan ng mama mo.”
Tumalon ang puso ni Emerald nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. Mahal na mahal niya si Mason. Kahit magmukha siyang tanga ay hindi pa rin talaga magbabago ang nararamdaman niya para rito. Kababata niya si Mason dahil sabay silang lumaki. Naalala pa niya noon na tuwing binubully siya ay ipinagtatanggol siya nito, minsan pa nga ay nagbubulag-bulagan ito. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nakulangan ang nararamdaman niya para dito. Hindi rin siya nadisappoint rito, minsan nga ay naisip pa niyang baka may saltik siya sa utak o ano.
Ang saya na nararamdaman ni Emerald ay biglang naglaho na parang bula. Tinamaan siya ng realidad. Bakit niya ba nakalimutan ang importanteng katotohanan na hindi siya mahal ni Mason? Kahit man lang mapansin nito ang tunay niyang nararamdaman ay wala. Siguro ay ang mga mali lang niyang nagawa ang nakikita nito.
“Mason don’t have a feeling for me, kahit mapansin man lang niya ako bilang isang babae at hindi bilang isang kapatid,” mahinang sabi ni Emerald.
Huminga ng malalim ang kanyang ama at tinapik ang balikat niya.
“Hindi problema kung hindi pa niya masusuklian ang pagmamahal mo sa kanya. Kasi kusang darating yan. Balang araw ay nasusuklian niya ang nararamdaman mo at matutunan ka na lang niyang mahalin nang lubos sa inaakala mo.”
Umismid si Emerald. “Ang sabihin mo, pinapaalis mo na ako sa bahay,” sabi niya at pinigilan ang sarili na matawa.
Humalakhak ang kanyang ama at mahigpit siyang niyakap. “Palagi akong nandito, anak. Kahit mawala ako sa mundong ginagalawan natin ay mananatili pa rin kami ng Mama mo sa tabi mo at gagabayan ka.”
“Papa...” mahinang tawag ni Emerald.
Alam nilang lahat ang kalagayan ng ama niya. Malungkot itong tumingin sa kanya. May stage 4 cancer si Papa. Kahit gustuhin man nilang ipa-operahan ito ay huli na ang lahat. Sabi ng pinsan niya, kahit gustuhin pa nilang ipa-operahan ay hindi na puwede dahil baka sa operating table pa ito bawian ng buhay.
Ayaw ni Emerald na i-risk ang lahat. Ang kanyang ama na lang ang nag-iisa niyang pamilya bukod sa mga malalapit nilang kadugo. Ayaw din niyang pahirapan pa ito, ayaw niyang maghirap ito dahil sa kanya.
Gumalaw ang balikat nito at yumuko ito. Ilang sandali pa ay may tumulo at pumatak sa paa ni Emerald. Umiiyak ito.
“My only wish is I want to walk beside you and walk in the aisle with you, and I’m ready to go,” pabulong nitong sabi habang humihikbi.
Hinawakan ng kanyang ama ang kamay ni Emerald.
“Mapapanatag kami ng Mama mo kung ikakasal kayo ni Mason. Hindi naman sa sinasabi kong wala kang makikita maliban sa anak ng Del Valle. Alam namin na hindi ka nila pababayaan at aalagaan ka nila. Malaki ang tiwala namin sa kanilang mag pamilya.”
Hindi na napigilan ni Emerald ang luha. Pilit man niyang pigilan ay hindi siya nagtagumpay at tuluyan siyang humikbi.
“Papa,” umiiyak niyang tawag.
Kung wala lang sanang nag-doorbell ay hindi natapos ang iyakan nilang mag-ama noong araw na iyon.
Pagkalipas ng isang linggo, nagkita sila Emeralad kasama ang pamilya Del Valle. Akala niya ay simpleng dinner lang iyon, pero nagkamali siya. Pinag-uusapan na agad nila ang kasal. Ang venue para sa reception, ang church, ang pagkain, pati musika at honeymoon. Pero biglang nagsalita si Mason.
Biglang nawala ang lahat ng napag-usapan. Pumayag si Mason sa kasal pero may isang kondisyon. Dapat ay sikreto ito. Walang church, walang reception, at kung ano-ano pa. Kahit gustuhin man ni Emerald na umangal ay pinigilan niya ang sarili.
At ngayon ay naroon sila sa central house ng mga Del Valle. Malawak ang garden doon at iyon ang gusto ni Mason.
Gusto sana ni Emerald na magpakasal sa simbahan pero sa ngayon ay pantasya na lang iyon. Kung gusto ni Mason na civil at lihim ang kasal, wala siyang magagawa.
“Smile, Emerald.” Malamig ang boses ni Mason at nanginig ang tuhod niya. Nasa harapan nila ang judge na magbibigay ng basbas sa kanila.
“Isn’t this what your family wants? Or should I say, you truly want to?”
Punong-puno ng pagkasuklam ang boses nito.
Pakiramdam ni Emerald ay maiihi siya sa kaba at dahil rin dito. Kung dati ay malamig na ito sa kanya, ngayon ay parang kakainin na siya nang buhay. Pinilit niyang ngumiti para hindi mahalata ng ibang bisita ang nangyayari sa pagitan nila.
“Mason Del Valle, do you accept Emerald Mendez to be your wife?” tanong ng judge.
Mabilis ang tibok ng puso ni Emerald, kulang na lang ay mawalan siya ng malay. Paulit-ulit siyang lumulunok habang hinihintay ang sagot nito.
“I do,” malalim ang boses ni Mason, at bawat salitang binibigkas nito ay parang karayom na tumutusok sa utak ni Emerald para gisingin siya sa realidad.
Tumingin ang judge kay Emerald.
“Emerald Mendez, do you accept Mason Del Valle to be your husband?”
Huminga siya nang malalim at tumango bago sumagot.
“I do,” hindi niya napigilang mapangiti.
Ngumiti ang judge na tila ba nagsasabing tagumpay.
“And now you may kiss the bride!”
Biglang humarap sa kanya si Mason at lalo pang bumilis ang tibok ng puso ni Emerald. Pakiramdam niya ay lalabas na ito sa dibdib niya. Alam niyang hindi siya gusto ni Mason pero wala itong magagawa dahil wala na itong ibang pagpipilian.
Gusto sana niyang halikan ito pero natakot siyang magalit muli ito sa kanya. Ayaw man niyang halikan ito kahit gusto niya, ayaw rin niyang lalo pa itong magalit.
Napasinghap siya nang biglang hawakan ni Mason ang batok niya at halikan siya gamit ang daliri nito. Tinakpan nito ang bibig niya ng hintuturo at idinikit ang labi roon para magmukhang hinalikan siya.
Isang malaking insulto iyon para kay Emerald pero wala siyang magawa.
Malaki ang bahay na iniregalo sa kanila ng mga magulang ni Mason, pero walang kabuluhan para kay Emerald dahil mag-isa lang siya roon. Simula nang dumating sila ay hindi na niya muling nakita si Mason. Siya lang mag-isa kasama ang dalawang kasambahay, isang matanda at isang dalaga.
“Ma’am, tumawag si Sir kung kumain na raw po kayo. Kuhanan ko raw po kayo ng litrato,” sabi ni Neneng, ang apo ni Manang Asul.
Huminga nang malalim si Emerald. Laging ganoon ang eksena. Mula almusal hanggang hapunan ay kinukunan siya ng litrato ni Neneng para ipadala kay Mason. Mukha ring humihingi ng update si Mommy Carla, ang ina ni Mason. Sinabi nitong puwede niya itong tawaging mom, kaya ganoon na nga.
Inayos ni Emerald ang pwesto niya, ngumiti nang maayos sa camera, at nagkunwaring masaya para magmukhang si Mason ang kumuha ng litrato. Ilang kuha pa ang ginawa ni Neneng bago umupo at ipadala ang mga iyon kay Mason.
“Tapos na?” tanong ni Emerald habang inaayos ang damit niya.
Tumango si Neneng nang nahihiya.
“Pasensya na po talaga, ma’am. Napag-utusan lang po.”
Naiintindihan iyon ni Emerald. Susundin talaga nito ang amo niya dahil kung hindi ay mawawalan ito ng trabaho.
“It’s okay, aakyat na muna ako,” paalam niya at agad umalis.
Wala siyang problema sa pananatiling mag-isa pero asawa na siya ngayon. Nag-aalala siya kung nasaan si Mason, kung sino ang kasama nito, at kung kumain na ba ito o hindi pa.
Pagpasok niya sa kwarto ay agad siyang dumapa sa kama at mahinang humikbi. Ganoon lagi ang takbo ng buong araw niya.
Nasasaktan siya sa mga nangyayari. Kung gusto ni Mason ng litrato niya ay kaya naman niyang ibigay iyon nang direkta. Huwag na sanang idaan pa kay Neneng dahil mas lalo lang siyang nasasaktan.
Pagkalipas ng isang linggo, nasa paborito niyang lugar si Emerald. May gazebo sa likod ng bahay at presko ang hangin. Kaya niyang tumambay roon maghapon.
Nakita niyang papalapit si Neneng kaya inayos niya ang damit niya. Kita ang pag-aalala sa mukha nito.
“Ma’am, uuwi na po si Sir Mason,” sabi nito.
Lumiwanag ang mukha ni Emerald pero naalala niya ang itsura ni Neneng.
“Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ba dapat masaya tayo dahil uuwi siya?”
Yumuko si Neneng at kinamot ang kamay.
“Sinabi rin po niya na manatili muna kayo sa kabilang silid at huwag lalabas nang walang pahintulot niya,” mahina nitong sabi.
Agad tumayo si Emerald.
“Bakit?” naguguluhan niyang tanong.
“May kasama po kasi,” dagdag ni Neneng.
Kumunot ang noo ni Emerald.
“Sino ang kasama niya?” tanong niya, hindi makapaniwalang aabot sa puntong itatago siya sa ibang silid.
Kita sa mga mata ni Neneng ang hirap nito lalo na at nasa gitna ito nila ni Mason.
“Si Miss Kate po.”
“Kate? And who’s that?” putol ni Emerald.
Napabuntong-hininga si Neneng.
“Hindi po sa nanghihimasok ako sa inyo ni Sir, ma’am. Bago po kayo ikasal ay si Miss Kate po ang girlfriend niya.”
Parang naipit ang mga paa ni Emerald sa sahig. Para siyang dinurog at hindi niya alam ang sasabihin. Hindi imposible na ang dahilan ng galit ni Mason ay dahil napilitan itong pakasalan siya at hindi ang babaeng mahal nito.
“Galit ka ba?” tanong ni Emerald. Ayaw niyang may magalit sa kanya, lalo na at asawa siya ni Mason.
“Galit ka ba dahil ako ang pinakasalan ng amo mo at hindi si Kate?”
“Mabait po kayo, ma’am,” sagot ni Neneng. “Ang ikinababahala ko lang po ay baka makita kayo ni Miss Kate at mag-away na naman po sila. Ayoko rin po na mag-away kayo ni Sir.”
Hindi na nagsalita si Emerald. Dinampot niya ang mga gamit niya at umalis sa gazebo. Pumasok siya sa bahay at umakyat sa taas. Pagpasok sa silid ay hinila niya ang maleta at inilagay ang mahahalagang gamit. Isinama rin niya ang passport niya. Kung ikukulong lang siya sa kwarto, mas mabuting sa hotel na lang siya mag-stay para hindi niya makita ang anumang ayaw niyang masaksihan.
“Ma’am, saan po ang punta ninyo?” tarantang tanong ni Manang Asul.
“Manang, sa hotel na lang po ako mag-stay habang may bisita si Mason,” sagot ni Emerald habang inaayos ang dala.
“Pwede naman po na dito lang kayo, sabi niya lang po na huwag kayong lalabas sa silid hangga’t walang pahintulot niya.”
“Hindi na po,” sagot ni Emerald bago tuluyang umalis.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Emerald, lalo na noong kumakain sila ni Winston kanina. Sobrang dilim ng titig ni Mason sa kanila noon. Kung hindi lang talaga niya alam na hindi siya gusto ni Mason, iisipin niyang nagseselos ito.Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at maingat na pumasok. Sobrang dilim ng buong paligid. Napangiti siya dahil mukhang hindi pa ito nakakauwi. Lalakad na sana siya nang biglang umilaw ang mga ilaw at alam na niya kung sino ang nagbukas noon.“Lalaki mo ba yon?” mabigat ang boses ni Mason mula sa likuran niya. Hindi man lang siya nilapitan kanina.Huminga nang malalim si Emerald bago siya lingunin, ngunit ang madilim na mukha ni Mason agad ang bumungad sa kanya.“Hindi ko siya lalaki,” sagot niya.Mas lalo pang nagdilim ang ekspresyon ni Mason dahil sa sinabi niya.“Eh sino siya? Bakit kayo magkasama?” tanong nito habang gumagalaw ang panga. “Ang pinalayas ko sa lahat ay ang pagtaksilan ako.”Gusto sanang humalakhak ni Emerald sa sinabi nito. Ang kapa
“Emerald... alam namin na sa lahat na mga nangyari ay ikaw ang mas naapektuhan but hija you need to get up. Dahil sigurado akong hindi magugustuhan ng Papa at Mama mo ang nangyari sayo ngayon. Walang magulang na natutuwang makikita nila ang anak nilang nalugmok.”Ramdam ni Emerald ang bawat salita ng ina ni Mason, para siyang tinutusok ng milyong karayom. Alam niyang ang ibig sabihin ng mga ito at tama sila. Hindi pwedeng hanggang mukmok at iyak lang ang gagawin niya dahil sigurado rin siyang hindi nila magugustuhan na nakikita siyang ganito.Habang sumusubo si Emerald ay biglang tumulo ang luha niya. Inisip ni Emerald na ito na ang huling pag-iyak niya.Tumango-tango si Emerald at suminghot.“Yes, Mom and Dad. Don't worry po,” mahinang sabi ni Emerald. “Babalik na po ako mamaya sa bahay namin ni Mason—”“Hija, hindi ka namin pinapaalis,” agap ni Mommy Carla. “Sinasabi lang namin na huwag kang magmukmok at umiyak lang dyan. Kailangan mong mamuhay ulit ng normal dahil lumilipas ang ara
Dalawang araw na ang lumipas pero hindi tumawag si Mason. Kahit si Neneng ay hindi man lang siya kinontak. Mukhang nag-enjoy silang lahat sa bisita nila at agad nalasahan ni Emerad ang pait sa lalamunan niya.Habang nakahiga siya sa kama ay biglang tumunog ang cellphone na nasa tabi niya. Taranta niya itong kinuha at agad na ngumiti, ngunit mabilis ding naglaho ang ngiting iyon. Hindi naman sa ayaw niyang makausap ang Papa niya, pero umaasa siyang si Mason ang tatawag.“Pa,” matamlay na tawag ni Emerad sa kabilang linya.“Anak, how are you? Kumusta kayo ni Mason?” mahinang tanong nito. Ang boses ng ama niya ay parang nahihirapan, tila may iniindang sakit.Umayos ng upo si Emerad bago sumagot.“We’re okay Pa, don’t worry. Inalagaan naman po ako ni Mason ng maayos,” pagsisinungaling niya.“That’s good, nice to hear that. I love you anak. I’m hoping that you can give a little apo,” sabi nito na may kasamang tawa.Napangiti si Emerad kahit gusto niyang umiyak. Gusto niyang sabihin sa kany
“Pa, ano bang sinasabi mo?” tanong ni Emerald sa ama niya.Kumuha ng baso ang kanyang ama at sinalinan ito ng tubig mula sa pitsel na nasa ibabaw ng mesa.“Gaya ng sabi ko kanina, dapat magpakasal kayo ni Mason. Iyon ang huling kahilingan ng mama mo, di ba? Kaya bago ako mawala sa mundo ay kailangan kong tuparin ang huling kahilingan ng mama mo.”Tumalon ang puso ni Emerald nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. Mahal na mahal niya si Mason. Kahit magmukha siyang tanga ay hindi pa rin talaga magbabago ang nararamdaman niya para rito. Kababata niya si Mason dahil sabay silang lumaki. Naalala pa niya noon na tuwing binubully siya ay ipinagtatanggol siya nito, minsan pa nga ay nagbubulag-bulagan ito. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nakulangan ang nararamdaman niya para dito. Hindi rin siya nadisappoint rito, minsan nga ay naisip pa niyang baka may saltik siya sa utak o ano.Ang saya na nararamdaman ni Emerald ay biglang naglaho na parang bula. Tinamaan siya ng realidad. Bakit niya ba







