LOGIN“Emerald... alam namin na sa lahat na mga nangyari ay ikaw ang mas naapektuhan but hija you need to get up. Dahil sigurado akong hindi magugustuhan ng Papa at Mama mo ang nangyari sayo ngayon. Walang magulang na natutuwang makikita nila ang anak nilang nalugmok.”
Ramdam ni Emerald ang bawat salita ng ina ni Mason, para siyang tinutusok ng milyong karayom. Alam niyang ang ibig sabihin ng mga ito at tama sila. Hindi pwedeng hanggang mukmok at iyak lang ang gagawin niya dahil sigurado rin siyang hindi nila magugustuhan na nakikita siyang ganito.
Habang sumusubo si Emerald ay biglang tumulo ang luha niya. Inisip ni Emerald na ito na ang huling pag-iyak niya.
Tumango-tango si Emerald at suminghot.
“Yes, Mom and Dad. Don't worry po,” mahinang sabi ni Emerald. “Babalik na po ako mamaya sa bahay namin ni Mason—”
“Hija, hindi ka namin pinapaalis,” agap ni Mommy Carla. “Sinasabi lang namin na huwag kang magmukmok at umiyak lang dyan. Kailangan mong mamuhay ulit ng normal dahil lumilipas ang araw hindi humihinto,” dagdag ni Mommy.
Tumango si Emerald sa sinabi ng ginang.
“Kailangan ko talaga umuwi dahil nandon po ang asawa ko,” ani ni Emerald. Ayaw niyang tanungin kung bakit wala si Mason roon lalo na at doon siya nag-stay.
Malungkot na tumingin ang dalawa kay Emerald. Alam nilang hindi maganda ang pagitan nila ng anak nila pero umaasa pa rin sila na magiging maayos ang lahat.
“Dahil sa inaasta ng anak namin, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Darating ang araw na magkaayos kayo. Manalig lang tayo sa itaas,” ani ni Mommy.
Pagkatapos ng agahan ay kaagad inasikaso ni Emerald ang mga gamit niya at inayos ang sarili. Uuwi siya sa bahay unit nila ni Mason.
Habang pababa si Emerald ay nakita niya si Mommy na masayang nakikipag-usap sa babaeng hindi pamilyar sa kanya.
“Loraine sweetie, you're so nice. Hindi ka pa rin nagbabago. Mason is okay and beside his wife is here, you already know her right?” nakangiting tanong ni Mommy sa babae.
“W-Wife? Mason is already married?” gulantang na tanong ng babae.
Imbes na bumaba ay nanatili si Emerald sa kinatatayuan at mariing nakinig sa usapan. Alam niyang mali ang makinig lalo na’t hindi siya kasali pero na-curious talaga siya sa babae. May kakaibang pakiramdam si Emerald na hindi niya maipaliwanag.
“Yes sweetie, sayang lang at hindi ka nakadalo sa kasal nila,” nanghihinayang na sabi ng ina ni Mason.
“Hindi ko po kasi nabalitaan, Tita. Kailan lang ba sila ikinasal?” tanong ng babae.
Bahagyang napataas ang kilay ni Emerald. Bakit sobrang kuryoso ang babae sa kanilang mag-asawa? Hindi maganda ang kutob ni Emerald.
“I’m sorry, sweetie. Hindi kasi namin na-anunsyo dahil sa kagustuhan ng bride and we respect her decision.”
Napabuntong-hininga si Emerald. Alam niya kung bakit siya ang ginawang dahilan. Kilalang tao ang pamilya at biglang pagpapakasal ng isang Mason Santiago ay malaking balita. Kung siya ang gagawing rason, walang makikitang mali ang mga tao.
“Ah okay po, Tita. Nakakapagtaka lang po kasi. So aalis na po ako. Dumaan lang po talaga ako rito para ibigay sayo ang pasalubong ko,” paalam ng babae.
“Kakadating mo lang ba galing Paris?” tanong ni Mommy.
Ngumiti ang babae bago sumagot.
“Yes po, Tita. Sinadya ko pong huminto riyan upang ibigay sayo ang pasalubong ko. Atsaka po madaanan ko lang naman ang bahay niyo patungo sa destinasyon ko po.”
Nagyakapan pa ang dalawa bago tuluyang umalis ang babae. Doon lang gumalaw si Emerald at naglakad pababa ng hagdan.
“Ready ka na ba? Ihahatid ka namin ng Daddy mo,” sabi ni Mommy na may ngiti.
Palihim na napasinghap si Emerald bago ngumiti.
“I’m okay Mom, si Manong Jesus na lang po ang maghahatid sa kanya,” ani ni Emerald habang mahigpit na hawak ang maleta.
“Is it really okay that Manong Jesus will drive you there?” tanong ni Mommy habang sinusuri ang reaksyon niya.
Kaagad tumango si Emerald at ngumiti.
“Yes Mom, wala rin naman si Mason doon. Baka may importanteng lakad.”
Hindi kasi nag-i-stay si Mason sa bahay. Kapag nandoon si Emerald, umaalis siya. Kapag wala naman si Emerald, saka pa lang siya tumatambay roon. Sa madaling salita, iniiwasan siya ni Mason.
“Ganon ba? Sige mag-ingat ka sa byahe okay? Dadalaw na lang kami ng Daddy mo doon,” nakangiting sabi ni Mommy.
Tumango si Emerald bago naglakad palabas. Pagdating sa garahe ay tinawag niya si Manong Jesus at sinabing aalis na sila.
Hindi na umasa si Emerald na nandoon si Mason sa bahay kaya pagdating ay napahinga na lang siya nang malalim. Walang bakas ni Mason.
“Ma’am, saan ko po ilalagay ang maleta niyo?” tanong ni Manong Jesus.
“Diyan lang po sa sofa, thank you po Manong,” sagot ni Emerald habang iniilibot ang paningin.
Ilang sandali lang ay umalis na ang driver. Naglibot si Emerald sa buong bahay. Mukhang may naglinis dahil walang alikabok. Plain ang buong bahay, gray at white ang pintura na mas lalong nagbigay ng kawalan ng buhay sa lugar.
Habang naglilibot si Emerald ay biglang tumunog ang cellphone. Inakala niyang si Mason ang tumatawag pero ang kaibigan niya pala.
“Guil, I miss you!” malambing na sabi ni Emerald. Sa kabila ng sakit na nararamdaman niya sa mga nagdaang araw, kailangan niyang bumangon.
“You don't need to pretend. I know what happened to Tito. I'm sorry at wala ako riyan nang pumanaw si Tito at wala ako riyan para damayan ka.”
Ngumiti si Emerald kahit hindi siya nakikita.
“I'm really okay bebs. How are you? How about Tita? Is she okay now?” tanong ni Emerald.
“Uuwi na pala kami bukas dyan sa Pinas. Pwede na kasing bumiyahe si Mama,” excited na balita ni Guil.
“Really?” magiliw na reaksyon ni Emerald. “I’m so excited to meet you two again. I really miss the two of you. Siya nga pala, nakausap mo na ba ang sinasabi kong may-ari ng isang nightclub dyan?” tanong ni Emerald.
Ikinuwento pa ni Emerald ang plano nila sa business habang nakikinig.
"Aare you sure na kukunin natin yon?” alanganing tanong ni Guil.
Napakunot ang noo ni Emerald.
“Why? Pangit na? Maliit ang space?”
Pinaliwanag ni Guil ang sitwasyon at mas lalong nag-isip si Emerald.
“Balitaan mo na lang ako. Bonding tayo pagdating niyo bukas. I miss you again,” sabi ni Emerald bago ibaba ang tawag.
Maghapon na nakatunganga si Emerald. Alas sais ng gabi nang maisipan niyang kumain sa malapit na restaurant. Nagbihis siya ng itim na bodycon at flat sandals, bitbit ang wallet at lumabas.
Habang pababa ay huminto ang elevator at pumasok ang isang gwapong lalaki. Kahit gwapo ito, para kay Emerald ay mas gwapo pa rin si Mason.
“Dinner?” biglang tanong ng lalaki.
Tahimik lang si Emerald. Nang mapansin ang reaksyon niya ay nagkamot ang lalaki sa ulo.
“I’m sorry. I'm new here. I don't know if they have a resto here or I need to go outside to find a restaurant.”
Hindi napigilan ni Emerald ang pagtataka.
“Hindi mo alam na may restaurant rito?” tanong niya.
Umiling ang lalaki.
“Nope. Kakabalik ko lang kasi dito sa Pinas.”
“Kung hindi mo mamasamain, pwede kang sumama sa kanya. Malapit lang ang restaurant kung saan siya madalas kumain,” alok ni Emerald.
“Hindi ka takot? Stranger ako tapos yayayain mo ako,” aniya.
Umiling si Emerald.
“Kung hindi ka masamang tao, why not? And beside maraming tao ang kumakain doon.”
Itinaas ng lalaki ang dalawang kamay na parang sumusuko.
“I’m not that kind of person,” natatawa niyang sabi. “By the way I'm Winston and you are?”
“I'm Emerald,” sagot niya sabay tanggap sa kamay nito.
Sabay silang lumabas ng elevator at naglakad patungo sa restaurant.
Habang papasok sila sa Italian cuisine ay nakangiti si Emerald ngunit biglang naglaho ang ngiti niya nang magtagpo ang mga mata nila ng asawa niya. Ang mga mata ni Mason ay nakatitig sa kanya na parang gusto siyang lamunin ng buhay.
“Mason,” mahinang bulong ni Emerald sa sarili.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Emerald, lalo na noong kumakain sila ni Winston kanina. Sobrang dilim ng titig ni Mason sa kanila noon. Kung hindi lang talaga niya alam na hindi siya gusto ni Mason, iisipin niyang nagseselos ito.Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at maingat na pumasok. Sobrang dilim ng buong paligid. Napangiti siya dahil mukhang hindi pa ito nakakauwi. Lalakad na sana siya nang biglang umilaw ang mga ilaw at alam na niya kung sino ang nagbukas noon.“Lalaki mo ba yon?” mabigat ang boses ni Mason mula sa likuran niya. Hindi man lang siya nilapitan kanina.Huminga nang malalim si Emerald bago siya lingunin, ngunit ang madilim na mukha ni Mason agad ang bumungad sa kanya.“Hindi ko siya lalaki,” sagot niya.Mas lalo pang nagdilim ang ekspresyon ni Mason dahil sa sinabi niya.“Eh sino siya? Bakit kayo magkasama?” tanong nito habang gumagalaw ang panga. “Ang pinalayas ko sa lahat ay ang pagtaksilan ako.”Gusto sanang humalakhak ni Emerald sa sinabi nito. Ang kapa
“Emerald... alam namin na sa lahat na mga nangyari ay ikaw ang mas naapektuhan but hija you need to get up. Dahil sigurado akong hindi magugustuhan ng Papa at Mama mo ang nangyari sayo ngayon. Walang magulang na natutuwang makikita nila ang anak nilang nalugmok.”Ramdam ni Emerald ang bawat salita ng ina ni Mason, para siyang tinutusok ng milyong karayom. Alam niyang ang ibig sabihin ng mga ito at tama sila. Hindi pwedeng hanggang mukmok at iyak lang ang gagawin niya dahil sigurado rin siyang hindi nila magugustuhan na nakikita siyang ganito.Habang sumusubo si Emerald ay biglang tumulo ang luha niya. Inisip ni Emerald na ito na ang huling pag-iyak niya.Tumango-tango si Emerald at suminghot.“Yes, Mom and Dad. Don't worry po,” mahinang sabi ni Emerald. “Babalik na po ako mamaya sa bahay namin ni Mason—”“Hija, hindi ka namin pinapaalis,” agap ni Mommy Carla. “Sinasabi lang namin na huwag kang magmukmok at umiyak lang dyan. Kailangan mong mamuhay ulit ng normal dahil lumilipas ang ara
Dalawang araw na ang lumipas pero hindi tumawag si Mason. Kahit si Neneng ay hindi man lang siya kinontak. Mukhang nag-enjoy silang lahat sa bisita nila at agad nalasahan ni Emerad ang pait sa lalamunan niya.Habang nakahiga siya sa kama ay biglang tumunog ang cellphone na nasa tabi niya. Taranta niya itong kinuha at agad na ngumiti, ngunit mabilis ding naglaho ang ngiting iyon. Hindi naman sa ayaw niyang makausap ang Papa niya, pero umaasa siyang si Mason ang tatawag.“Pa,” matamlay na tawag ni Emerad sa kabilang linya.“Anak, how are you? Kumusta kayo ni Mason?” mahinang tanong nito. Ang boses ng ama niya ay parang nahihirapan, tila may iniindang sakit.Umayos ng upo si Emerad bago sumagot.“We’re okay Pa, don’t worry. Inalagaan naman po ako ni Mason ng maayos,” pagsisinungaling niya.“That’s good, nice to hear that. I love you anak. I’m hoping that you can give a little apo,” sabi nito na may kasamang tawa.Napangiti si Emerad kahit gusto niyang umiyak. Gusto niyang sabihin sa kany
“Pa, ano bang sinasabi mo?” tanong ni Emerald sa ama niya.Kumuha ng baso ang kanyang ama at sinalinan ito ng tubig mula sa pitsel na nasa ibabaw ng mesa.“Gaya ng sabi ko kanina, dapat magpakasal kayo ni Mason. Iyon ang huling kahilingan ng mama mo, di ba? Kaya bago ako mawala sa mundo ay kailangan kong tuparin ang huling kahilingan ng mama mo.”Tumalon ang puso ni Emerald nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. Mahal na mahal niya si Mason. Kahit magmukha siyang tanga ay hindi pa rin talaga magbabago ang nararamdaman niya para rito. Kababata niya si Mason dahil sabay silang lumaki. Naalala pa niya noon na tuwing binubully siya ay ipinagtatanggol siya nito, minsan pa nga ay nagbubulag-bulagan ito. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nakulangan ang nararamdaman niya para dito. Hindi rin siya nadisappoint rito, minsan nga ay naisip pa niyang baka may saltik siya sa utak o ano.Ang saya na nararamdaman ni Emerald ay biglang naglaho na parang bula. Tinamaan siya ng realidad. Bakit niya ba
![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






