LOGINSobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Emerald, lalo na noong kumakain sila ni Winston kanina. Sobrang dilim ng titig ni Mason sa kanila noon. Kung hindi lang talaga niya alam na hindi siya gusto ni Mason, iisipin niyang nagseselos ito.
Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at maingat na pumasok. Sobrang dilim ng buong paligid. Napangiti siya dahil mukhang hindi pa ito nakakauwi. Lalakad na sana siya nang biglang umilaw ang mga ilaw at alam na niya kung sino ang nagbukas noon.
“Lalaki mo ba yon?” mabigat ang boses ni Mason mula sa likuran niya. Hindi man lang siya nilapitan kanina.
Huminga nang malalim si Emerald bago siya lingunin, ngunit ang madilim na mukha ni Mason agad ang bumungad sa kanya.
“Hindi ko siya lalaki,” sagot niya.
Mas lalo pang nagdilim ang ekspresyon ni Mason dahil sa sinabi niya.
“Eh sino siya? Bakit kayo magkasama?” tanong nito habang gumagalaw ang panga. “Ang pinalayas ko sa lahat ay ang pagtaksilan ako.”
Gusto sanang humalakhak ni Emerald sa sinabi nito. Ang kapal nitong tawagin siyang traydor kung si Mason lang naman ang may kabit sa kanilang dalawa. “Hindi ako nagtaksil, Mason. At higit sa lahat, hindi ko siya lalaki,” sagot niya nang may lakas ng loob.
“Ano ang tawag mo sa ginagawa mo ngayon, Emerald? Hindi mo ba itinuturing na isang pagtataksil ang pagkain kasama ang isang lalaki?” insulto nitong sabi sabay ngising nakakaloko.
Imbes na sagutin ang mga paratang, naglakad si Emerald patungo sa kwarto niya. Walang kabuluhan ang pinuputok ng bibig ni Mason. Narinig pa niya ang pagtawag nito sa kanya ngunit hindi niya iyon pinansin. Pagpasok niya sa kwarto ay kusa nang tumulo ang luha niya.
Hindi nga siya umangal nang magdala si Mason ng babae sa bahay nito sa Cagayan. Wala itong narinig mula sa kanya. Hindi niya ito sinumbatan kung gaano kasakit ang mga araw na iyon. Tapos makikita lang siyang may kasamang lalaki habang kumakain at pagtataksil na agad ang tawag nito. Ang kapal talaga.
Umiiyak si Emerald habang nakadapa sa kama, nakasubsob ang mukha sa unan at doon niya ibinuhos ang sakit na nararamdaman. Habang umiiyak siya ay may biglang kumatok sa pinto.
“Emerald, get out!” galit na sigaw ni Mason habang kumakatok.
Mas lalo siyang napaiyak dahil sa sigaw nito. Imbes na tumayo at sundin ang gusto nito, tinakpan niya ang dalawang tenga niya.
Sa kabilang banda, nakatitig si Mason sa sarili niya sa malaking salamin ng banyo.
“What did you do, you idiot?” bulong niya sa sarili.
Huminga siya nang malalim bago lumabas ng banyo. Kinuha niya ang black leather jacket at umalis ng kwarto. Gusto niyang uminom mag isa. Bago siya tuluyang lumabas, sinulyapan niya ang pintuan ng kwarto ni Emerald. Sarado iyon at mukhang mahimbing ang tulog nito.
Minaneho niya ang itim niyang Ferrari papunta sa club na palagi niyang pinupuntahan. Exclusive iyon at walang babaeng pinapapasok maliban na lang kung hihilingin. Ang may ari ng club na si Kiko ay kaibigan niya.
Pagdating niya roon ay agad niyang nakita ang mga kaibigan niya. Napamura siya nang maalala na niyaya pala siya ng mga ito kahapon para mag inuman ngayong gabi.
“Yow, mukhang badtrip ka. Emerald na naman ba?” tanong ni Jacques habang tinatapik ang balikat niya.
Hindi umimik si Mason at dumiretso sa counter para umorder ng matapang na alak. Walang paligoy ligoy na inubos niya ang ibinigay ng bartender.
“So ano na naman ang nangyari? O dapat ba'ng sabihin ko, ano ba ang katangahang ginawa mo sa kanya?” tanong ni Jacques.
Umiling si Mason. Ayaw niyang sabihin ang nangyari. Ayaw niyang mandamay ng iba sa problemang pinasok niya.
“Sige na pare. Anong silbi na kaibigan mo kami? Nakikita ko simula noong kinasal ka kay Emerald, nag iba ka.”
“Paano nag iba?” tanong ni Mason.
“Kapag inimbitahan ka namin sa club ni Storm, hindi ka na sumasama. Kahit si Kate ay hinahanap ka dahil huling magkasama raw kayo noong nasa Cagayan pa. Ano ba ang nangyari, pare?”
Hindi makasagot si Mason. Naguguluhan siya. Kapag kasama niya si Kate, palagi siyang badtrip. Lalo na kapag nakikita niyang hindi man lang nagseselos si Emerald. Mukhang okay lang sa kanya na mambabae siya.
“Wait, huwag mong sabihin sa akin na…”
“Manahimik ka, Jacques,” inis niyang sabi sabay tungga ulit ng alak.
Hindi na lihim kay Mason na may gusto si Emerald sa kanya. Kahit noong mga bata pa sila, kakaiba na ang kilos nito.
“Woah, tinamaan nga.”
Awtomatikong hinablot ni Mason ang kwelyo ni Jacques. “Sabi ko manahimik ka. Huwag ngayon. Wala akong mood makipagbiruan.”
Binitawan niya ito nang pabalang. Hindi nagalit si Jacques at tinawanan lang siya bago lumapit sa iba nilang kaibigan. Kapag nauubos ang laman ng baso ni Mason ay mabilis itong sinasalinan ng bartender.
Napahinto si Mason sa pag inom nang maalala ang malaking ngiti ni Emerald kanina sa loob ng restaurant kasama ang lalaking iyon.
“Mother fucker. Shit. Shit. Shit,” galit niyang sigaw habang sinisipa ang high chair sa tabi niya.
Hindi siya inawat ng bartender. Nakabantay lang ang mga kaibigan niya, tila inaabangan ang susunod na mangyayari.
Hinihingal siyang umupo muli at inayos ang leather jacket. “Isang bote,” utos niya sa bartender na agad namang sumunod na may halong takot sa kilos.
“Wazzup man. Long time no see?” bati ni Marvin habang tinatapik ang balikat niya.
Masama ang tingin ni Mason sa kanya. “Relax. Hindi ako ang kalaban mo,” natatawang sabi ni Marvin bago lumayo.
Kumukulo ang dugo ni Mason at nanginginig ang mga kalamnan niya. Gusto niyang manakit ng tao ngayong gabi. Tahimik niyang inubos ang isang bote ng alak na parang bakal sa pait ng lasa.
Lumapit si Storm at umupo sa tabi niya nang hindi nagsasalita. Mukhang problemado rin ito. Pareho sila ngayong gabi.
Kinabukasan, nagising si Emerald na maga ang mga mata. Matamlay siyang bumangon at inayos ang higaan bago pumasok sa banyo. Habang nagsisipilyo siya ay biglang tumunog ang cellphone niya. Dinampot niya ito at nakita ang pangalan ng tumatawag.
Ang ina ni Mason.
“Hello Mom, good morning,” bati niya. Mabuti na lang at hindi paos ang boses niya kahit umiyak siya kagabi.
“Iha, where are you?” nanginginig na tanong ng ina niya.
“Nasa condo po ako. Bakit po?” kunot noo niyang sagot.
“Naaksidente si Mason kaninang madaling araw, iha.”
Parang gumuho ang mundo ni Emerald. “Saan po siya ngayon?”
“Nasa ospital kami.”
“Papunta na po ako,” taranta niyang sagot bago ibinaba ang tawag.
Kinuha niya ang unang damit na makita at nagmadaling maligo. Lumabas siya ng kwarto na may nakasabit pang suklay sa buhok. Hindi na siya nag make up o nag sunscreen. Wala na siyang pakialam.
Mabilis niyang minaneho ang kotse papuntang ospital. Naiinis siya sa traffic. Paulit ulit siyang nagdasal na sana ay mailigtas si Mason. Hindi niya kayang isipin na mawawala ito.
Pagdating sa hospital ay agad siyang nag park at bumaba ng kotse. Nanginginig ang mga binti niya habang papunta sa nurse station.
“Good morning miss. Itatanong ko lang sana kung saan ang room number ni Mr. Del Valle,” sabi niya.
“Kaano ano niyo po siya?” tanong ng nurse.
“Best friend,” sagot ni Emerald kahit nilalamon siya ng pait. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo. Lihim ang kasal nila.
“Nasa third floor po, room eighteen, left side.”
Nagpasalamat siya at nagmadaling umakyat gamit ang hagdan dahil mabagal ang elevator.
Pagdating niya sa labas ng silid ni Mason ay napahinto siya. Maingay sa loob. Tawanan at asaran. Sumilip siya at nakita ang grupo ng magkakaibigan. Naka binda ang kamay ni Mason at may babaeng nakaupo sa tabi nito, nakangiti habang tila inaalagaan siya.
Unti unting bumuhos ang luha ni Emerald. Ang takot at pagkataranta niya kanina ay parang naglaho.
Hindi pala siya ang kailangan ni Mason.
May iba na itong kasama.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Emerald, lalo na noong kumakain sila ni Winston kanina. Sobrang dilim ng titig ni Mason sa kanila noon. Kung hindi lang talaga niya alam na hindi siya gusto ni Mason, iisipin niyang nagseselos ito.Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at maingat na pumasok. Sobrang dilim ng buong paligid. Napangiti siya dahil mukhang hindi pa ito nakakauwi. Lalakad na sana siya nang biglang umilaw ang mga ilaw at alam na niya kung sino ang nagbukas noon.“Lalaki mo ba yon?” mabigat ang boses ni Mason mula sa likuran niya. Hindi man lang siya nilapitan kanina.Huminga nang malalim si Emerald bago siya lingunin, ngunit ang madilim na mukha ni Mason agad ang bumungad sa kanya.“Hindi ko siya lalaki,” sagot niya.Mas lalo pang nagdilim ang ekspresyon ni Mason dahil sa sinabi niya.“Eh sino siya? Bakit kayo magkasama?” tanong nito habang gumagalaw ang panga. “Ang pinalayas ko sa lahat ay ang pagtaksilan ako.”Gusto sanang humalakhak ni Emerald sa sinabi nito. Ang kapa
“Emerald... alam namin na sa lahat na mga nangyari ay ikaw ang mas naapektuhan but hija you need to get up. Dahil sigurado akong hindi magugustuhan ng Papa at Mama mo ang nangyari sayo ngayon. Walang magulang na natutuwang makikita nila ang anak nilang nalugmok.”Ramdam ni Emerald ang bawat salita ng ina ni Mason, para siyang tinutusok ng milyong karayom. Alam niyang ang ibig sabihin ng mga ito at tama sila. Hindi pwedeng hanggang mukmok at iyak lang ang gagawin niya dahil sigurado rin siyang hindi nila magugustuhan na nakikita siyang ganito.Habang sumusubo si Emerald ay biglang tumulo ang luha niya. Inisip ni Emerald na ito na ang huling pag-iyak niya.Tumango-tango si Emerald at suminghot.“Yes, Mom and Dad. Don't worry po,” mahinang sabi ni Emerald. “Babalik na po ako mamaya sa bahay namin ni Mason—”“Hija, hindi ka namin pinapaalis,” agap ni Mommy Carla. “Sinasabi lang namin na huwag kang magmukmok at umiyak lang dyan. Kailangan mong mamuhay ulit ng normal dahil lumilipas ang ara
Dalawang araw na ang lumipas pero hindi tumawag si Mason. Kahit si Neneng ay hindi man lang siya kinontak. Mukhang nag-enjoy silang lahat sa bisita nila at agad nalasahan ni Emerad ang pait sa lalamunan niya.Habang nakahiga siya sa kama ay biglang tumunog ang cellphone na nasa tabi niya. Taranta niya itong kinuha at agad na ngumiti, ngunit mabilis ding naglaho ang ngiting iyon. Hindi naman sa ayaw niyang makausap ang Papa niya, pero umaasa siyang si Mason ang tatawag.“Pa,” matamlay na tawag ni Emerad sa kabilang linya.“Anak, how are you? Kumusta kayo ni Mason?” mahinang tanong nito. Ang boses ng ama niya ay parang nahihirapan, tila may iniindang sakit.Umayos ng upo si Emerad bago sumagot.“We’re okay Pa, don’t worry. Inalagaan naman po ako ni Mason ng maayos,” pagsisinungaling niya.“That’s good, nice to hear that. I love you anak. I’m hoping that you can give a little apo,” sabi nito na may kasamang tawa.Napangiti si Emerad kahit gusto niyang umiyak. Gusto niyang sabihin sa kany
“Pa, ano bang sinasabi mo?” tanong ni Emerald sa ama niya.Kumuha ng baso ang kanyang ama at sinalinan ito ng tubig mula sa pitsel na nasa ibabaw ng mesa.“Gaya ng sabi ko kanina, dapat magpakasal kayo ni Mason. Iyon ang huling kahilingan ng mama mo, di ba? Kaya bago ako mawala sa mundo ay kailangan kong tuparin ang huling kahilingan ng mama mo.”Tumalon ang puso ni Emerald nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. Mahal na mahal niya si Mason. Kahit magmukha siyang tanga ay hindi pa rin talaga magbabago ang nararamdaman niya para rito. Kababata niya si Mason dahil sabay silang lumaki. Naalala pa niya noon na tuwing binubully siya ay ipinagtatanggol siya nito, minsan pa nga ay nagbubulag-bulagan ito. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nakulangan ang nararamdaman niya para dito. Hindi rin siya nadisappoint rito, minsan nga ay naisip pa niyang baka may saltik siya sa utak o ano.Ang saya na nararamdaman ni Emerald ay biglang naglaho na parang bula. Tinamaan siya ng realidad. Bakit niya ba


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




