Share

Chapter 2

Author: Fatima Fallen
last update Last Updated: 2025-12-16 18:37:05

Dalawang araw na ang lumipas pero hindi tumawag si Mason. Kahit si Neneng ay hindi man lang siya kinontak. Mukhang nag-enjoy silang lahat sa bisita nila at agad nalasahan ni Emerad ang pait sa lalamunan niya.

Habang nakahiga siya sa kama ay biglang tumunog ang cellphone na nasa tabi niya. Taranta niya itong kinuha at agad na ngumiti, ngunit mabilis ding naglaho ang ngiting iyon. Hindi naman sa ayaw niyang makausap ang Papa niya, pero umaasa siyang si Mason ang tatawag.

“Pa,” matamlay na tawag ni Emerad sa kabilang linya.

“Anak, how are you? Kumusta kayo ni Mason?” mahinang tanong nito. Ang boses ng ama niya ay parang nahihirapan, tila may iniindang sakit.

Umayos ng upo si Emerad bago sumagot.

“We’re okay Pa, don’t worry. Inalagaan naman po ako ni Mason ng maayos,” pagsisinungaling niya.

“That’s good, nice to hear that. I love you anak. I’m hoping that you can give a little apo,” sabi nito na may kasamang tawa.

Napangiti si Emerad kahit gusto niyang umiyak. Gusto niyang sabihin sa kanyang ama na hindi siya okay at hindi maganda ang trato sa kanya ni Mason, pero ayaw niyang sirain ang mga sandaling buhay pa ito.

“I love you too, Pa. Magpahinga ka riyan ng maayos, huwag matigas ang ulo. I can’t wait to see you soon, Papa.”

“I miss you too anak. Tandaan mo, mahal na mahal ka namin ng Mama mo,” sagot nito.

Kahit ilang ulit na sinasabi ng amasa kanya ang mga habilin nito kung sakaling mawala na sito ay hindi pa rin sanay si Emerad.

Napatingin siya sa relo at napasinghap nang makitang alas dose na pala ng tanghali. Kailangan na niyang bumaba dahil may reservation siya sa restaurant ng hotel para sa tanghalian. Tumayo siya at nagbihis. Naka-mini skirt siya na ipinares sa Korean polo. Maliit ang katawan niya kaya ayos lang ang oversize. Hindi rin naman masama ang itsura niya.

Sakto lang ang hubog ng katawan niya at wavy ang buhok niya. Tumingin siya sa salamin at nang makuntento ay lumabas siya dala ang handbag at paborito niyang stiletto.

Pagdating sa lobby ay diretso siyang pumasok sa restaurant.

“Hello ma’am, good afternoon. May I ask, do you have a reservation?” magalang na tanong ng staff.

Tumango si Emerad at ngumiti.

“Yes, under the name of Mrs. Del Valle—”

“Del Valle po? Mason Del Valle if I’m not mistaken,” naguguluhang tanong ng staff.

Agad na umiling si Emerad.

“No, under the name of Emerad Mendez Del Valle.”

“I’m really sorry ma’am, pero isang Del Valle lang po ang may reservation namin at iyon po ay si Mr. Mason Del Valle,” sagot nito.

Pati rito ba? Dito pa ni Mason dinala ang babae niya? Hindi pa ba sapat na sa bahay?

Napabuntong-hininga si Emerad bago magsalita.

“Do you have another reservation?” tanong niya dahil hindi tumatanggap ang restaurant ng walk in.

Nag-aalanganing umiling ang staff.

“I’m sorry ma’am, but there is no available table for the meantime.”

“You can join our table, Emerad.”

Agad siyang napalingon at nakita niya si Mason kasama ang isang babae. Mapula ang labi nito at halos kulang na lang ay maghubad sa suot. Iyon pala ang tipo ni Mason.

“Babe? Do you know her?” tanong ng babae habang tinitingnan si Emerad na parang pulubi.

“No thanks, thank you for the offer but I have to go,” mabilis na sagot ni Emerad bago lumakad palayo.

Paalis na sana siya patungo sa exit nang maalala niyang dala niya ang kotse kaya lumiko siya papuntang parking area, ngunit bigla na lang may humila sa kanya.

“What are you doing here?” malamig ang boses ni Mason habang mariin siyang tinitingnan. “Dito mo ba kikitain ang lalaki mo?” bintang nito habang mahigpit na hawak ang pulsuhan niya.

Kahit masakit ay nagawa pa rin ni Emerad na sumagot.

“What are you talking about? Me meeting another guy?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Don’t deny it, Emerad. Alam ko ang mga galawan na iyan.”

Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas pero sinampal niya ito. Hindi siya sanay manakit dahil itinuro sa kanya ng mga magulang niya na babalik din ang masama. Maayos siyang pinalaki.

“Don’t you ever point a finger at me, Mason. First of all, I’m not that kind of woman, and second, between the two of us we know who’s cheating and who has another woman,” hingal niyang sabi.

“Correction, she’s not my other woman,” malamig nitong sagot.

“Then she’s not your other woman, but don’t you ever accuse me of a crime I didn’t commit,” sagot ni Emerad na iritado.

Kahit matapang siyang sumagot ay nanginginig ang buong katawan niya. Malaki ang katawan ni Mason at natatakot siyang baka saktan siya nito.

Agad niyang binawi ang pulsuhan nang makita ang babae na papalapit. Narinig pa niyang tinatawag siya ni Mason pero hindi siya lumingon. Ayaw niyang gumawa ng eksena. Pagdating sa kotse ay agad siyang sumakay at sumandal.

Mabilis ang tibok ng puso niya at halos hindi siya makahinga. Nanginginig ang katawan at tuhod niya. Hindi na niya napigilan ang luha at tuluyan siyang umiyak. Para siyang batang humahagulgol.

Ano bang kulang sa kanya at bakit ganoon siya kalupit?

Umalis siya sa bahay dahil dadalhin nito ang babae roon at hindi niya iyon kayang makita.

Dalawampu’t walong taong gulang na si Emerad pero umiiyak pa rin siya na parang bata. Hindi iyon kasalanan niya. Wala lang talagang puso si Mason.

Dalawampu’t walo siya at tatlumpu’t lima si Mason, dating sundalo. Hindi rin alam ni Emerad kung bakit ito nagretiro at hindi rin binanggit ng pamilya nito ang dahilan. Mas mabuti na rin siguro dahil delikado ang trabaho nito noon.

Nang mahimasmasan ay inayos niya ang sarili at pinaandar ang kotse. Magma-mall na lang muna siya kahit bukas pa sana ang plano.

Pagkaparada ay kinuha niya ang handbag at pumasok. Hindi man siya mahilig mamili ay wala siyang choice. Bumili siya ng jeans, shirt, dress, at jewelry. Pagkatapos ay dumiretso siya sa exit at nakita niya si Mason na nakatingin sa kanya na parang kakainin siya nang buhay.

Wala siyang ibang daraanan kundi iyon lang ang exit papuntang parking area. Lalampasan na sana niya ito nang bigla itong nagsalita.

“We need to go back. Your father died.”

Paulit-ulit ang boses nito sa utak niya na parang sirang plaka. Hindi siya makagalaw. Gusto niyang umiyak pero parang wala nang natira. Kung hindi pa siya hinila ni Mason patungo sa kotse nito ay hindi pa siya kikilos.

Habang nasa kotse ay may kausap ito sa cellphone. Wala siyang pakialam kung sino iyon. Siguro kaya hindi siya maiyak ay dahil kasama niya si Mason.

“Cry if you want. Huwag ka lang bumahing diyan at madumihan pa ang kotse,” malamig nitong sabi.

Akala ni Emerad ay magiging maayos ang trato nito sa kanya pero nagkamali siya. Wala itong pakialam.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Don't Love You Anymore, Mason   Chapter 4

    Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Emerald, lalo na noong kumakain sila ni Winston kanina. Sobrang dilim ng titig ni Mason sa kanila noon. Kung hindi lang talaga niya alam na hindi siya gusto ni Mason, iisipin niyang nagseselos ito.Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at maingat na pumasok. Sobrang dilim ng buong paligid. Napangiti siya dahil mukhang hindi pa ito nakakauwi. Lalakad na sana siya nang biglang umilaw ang mga ilaw at alam na niya kung sino ang nagbukas noon.“Lalaki mo ba yon?” mabigat ang boses ni Mason mula sa likuran niya. Hindi man lang siya nilapitan kanina.Huminga nang malalim si Emerald bago siya lingunin, ngunit ang madilim na mukha ni Mason agad ang bumungad sa kanya.“Hindi ko siya lalaki,” sagot niya.Mas lalo pang nagdilim ang ekspresyon ni Mason dahil sa sinabi niya.“Eh sino siya? Bakit kayo magkasama?” tanong nito habang gumagalaw ang panga. “Ang pinalayas ko sa lahat ay ang pagtaksilan ako.”Gusto sanang humalakhak ni Emerald sa sinabi nito. Ang kapa

  • I Don't Love You Anymore, Mason   Chapter 3

    “Emerald... alam namin na sa lahat na mga nangyari ay ikaw ang mas naapektuhan but hija you need to get up. Dahil sigurado akong hindi magugustuhan ng Papa at Mama mo ang nangyari sayo ngayon. Walang magulang na natutuwang makikita nila ang anak nilang nalugmok.”Ramdam ni Emerald ang bawat salita ng ina ni Mason, para siyang tinutusok ng milyong karayom. Alam niyang ang ibig sabihin ng mga ito at tama sila. Hindi pwedeng hanggang mukmok at iyak lang ang gagawin niya dahil sigurado rin siyang hindi nila magugustuhan na nakikita siyang ganito.Habang sumusubo si Emerald ay biglang tumulo ang luha niya. Inisip ni Emerald na ito na ang huling pag-iyak niya.Tumango-tango si Emerald at suminghot.“Yes, Mom and Dad. Don't worry po,” mahinang sabi ni Emerald. “Babalik na po ako mamaya sa bahay namin ni Mason—”“Hija, hindi ka namin pinapaalis,” agap ni Mommy Carla. “Sinasabi lang namin na huwag kang magmukmok at umiyak lang dyan. Kailangan mong mamuhay ulit ng normal dahil lumilipas ang ara

  • I Don't Love You Anymore, Mason   Chapter 2

    Dalawang araw na ang lumipas pero hindi tumawag si Mason. Kahit si Neneng ay hindi man lang siya kinontak. Mukhang nag-enjoy silang lahat sa bisita nila at agad nalasahan ni Emerad ang pait sa lalamunan niya.Habang nakahiga siya sa kama ay biglang tumunog ang cellphone na nasa tabi niya. Taranta niya itong kinuha at agad na ngumiti, ngunit mabilis ding naglaho ang ngiting iyon. Hindi naman sa ayaw niyang makausap ang Papa niya, pero umaasa siyang si Mason ang tatawag.“Pa,” matamlay na tawag ni Emerad sa kabilang linya.“Anak, how are you? Kumusta kayo ni Mason?” mahinang tanong nito. Ang boses ng ama niya ay parang nahihirapan, tila may iniindang sakit.Umayos ng upo si Emerad bago sumagot.“We’re okay Pa, don’t worry. Inalagaan naman po ako ni Mason ng maayos,” pagsisinungaling niya.“That’s good, nice to hear that. I love you anak. I’m hoping that you can give a little apo,” sabi nito na may kasamang tawa.Napangiti si Emerad kahit gusto niyang umiyak. Gusto niyang sabihin sa kany

  • I Don't Love You Anymore, Mason   Chapter 1

    “Pa, ano bang sinasabi mo?” tanong ni Emerald sa ama niya.Kumuha ng baso ang kanyang ama at sinalinan ito ng tubig mula sa pitsel na nasa ibabaw ng mesa.“Gaya ng sabi ko kanina, dapat magpakasal kayo ni Mason. Iyon ang huling kahilingan ng mama mo, di ba? Kaya bago ako mawala sa mundo ay kailangan kong tuparin ang huling kahilingan ng mama mo.”Tumalon ang puso ni Emerald nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. Mahal na mahal niya si Mason. Kahit magmukha siyang tanga ay hindi pa rin talaga magbabago ang nararamdaman niya para rito. Kababata niya si Mason dahil sabay silang lumaki. Naalala pa niya noon na tuwing binubully siya ay ipinagtatanggol siya nito, minsan pa nga ay nagbubulag-bulagan ito. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nakulangan ang nararamdaman niya para dito. Hindi rin siya nadisappoint rito, minsan nga ay naisip pa niyang baka may saltik siya sa utak o ano.Ang saya na nararamdaman ni Emerald ay biglang naglaho na parang bula. Tinamaan siya ng realidad. Bakit niya ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status