Kitang-kita ni Bernadette kung paano na naman umigting ang mga panga ng naturang lalaki. Damang-dama niya ang matinding tension na namumuo sa mga kilos nito. Paano nga ba niya makukumbinsi ang lalaking ito na hindi nga siya si Blaire? Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Knoxx sa kanya. "Please mom, stay with us," wika ni Knoxx.Masuyong niyakap ni Bernadette si Knoxx. Nakaramdam siya ng matinding pagka-awa sa bata. "I'm so sorry pero hindi talaga ako ang mommy mo, Knoxx. I'm Bernadette Soriano not Blaire."Tila para namang hinaplos ang puso ni Bernadette sa narinig mula kay Knoxx. Panginoon ko, sobrang naawa talaga siya sa bata. "Pwede bang isama nalang natin si Knoxx?" Sa wakas ay naisatinig niya."Talaga, Mommy?""Yes, Knoxx. Dahil gusto kong patunayan sa inyo ng Daddy mo na hindi ako ang babaeng inakala ninyong si Mommy Blaire mo."Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang lalaki na may dalang bag. "Sir, narito na po ang bag ni Ma'am Blaire."Kumunot ang noo ni Bernadette na
Last Updated : 2025-12-16 Read more