"LOOK. You're even checking yourself."Ibinaba ni Faith ang pagkakasapo niya sa ulo. At least pinakalma ng nakapa niyang makapal na buhok ang kaba na bigla na lang bumangon sa kanya sa pag-aakala na wala na siya sa katawan ni Fate."Muntik nang masira ang kutis ko dahil sa allergy.""So, who's fault is it?""Of course, you.""At bakit ako?""Naghanda ka nang hindi pang-masa."Kumunot ang noo nito. "What do you mean?""Sana inisip mo rin ang mga magiging bisita mo na may allergy. It's usually nuts, chicken, and seafood. Marami namang puwedeng ihanda.""Like what?""Pancit, spaghetti, biko, puto, lumpia, macaroni salad without chicken, and so on."Lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Ponce. "So, that's what you called, pang-masa.""Right. Everyone can eat it. Basta walang sahog na nuts, chicken, and seafood. Wala sana ako rito at tahimik mong nairaos ang birthday party mo.""Jeez!" Napailing si Ponce. "Those foods you mentioned na pang-masa are the foods na hindi mo kinakain.""No way.""
آخر تحديث : 2026-01-10 اقرأ المزيد