LOGIN"MISS, sandali! Hintayin mo ako! Mag-usap muna tayo!"Lalong binilisan ni Faith ang mga hakbang nang maulinigan ang pagtawag sa kanya ng makulit na lasing na lalaki na mukhang wala siyang balak na lubayan."Miss!"Lumiko siya sa ikalawang eskinita. Mabuti na lang at tanda pa niya ang pasikot-sikot sa lugar. Nang marating niya ang hilera ng magkakadikit na bahay kung saan sa likod niyon ay naroon ang riles ng tren, bumagal na siya.Nalingunan niya na natumba at sumubsob na sa lupa ang sumusunod na lalaki dahil sa kalasingan nito.“Manang Josie, sige na po! Maawa na po kayo sa amin!”Itinulos sa kinatatayuan si Faith nang makita si Thea na hinahabol ang kanilang landlady. It excites her to see her sibling. And she missed her so much. Malapit kasi silang magkakapatid sa isa’t isa."Huwag mo na nga akong kulitin! Hindi na magbabago ang isip ko!"“Kahit kaunting palugit pa po. Makakabayad din po kami.”“Ilang beses ko na ‘yang narinig sa inyo, pero lalo lang kayong lumulubog sa utang!”“La
"LET!"Napahinto ang tinawag na katulong na may bitbit pang balde at mop."Halika."Lumapit naman si Let nang nakakunot ang noo. "Señorita, bakit po parang may pinagtataguan kayo?"Napasuyod naman sa kinaroroonan si Faith. Nakakubli nga siya sa isang sulok ng ikalawang palapag ng mansiyon."At bakit ang hina ng boses niyo na parang bumubulong? May sakit po ba kayo?""Ah, wala." Tumuwid siya nang tayo at saka umalis sa pinagtataguan. "Huwag mo na lang akong pansinin.""May kailangan ka po ba, señorita?"Pinagala uli ni Faith ang mga mata sa paligid at tumanaw rin siya sa ibaba. Malapit sila sa may hagdan. "Umalis na ba ang mag-asawa?""Ho? Sino pong mag-asawa?""Uhm, ibig kong sabihin sina Mama at Papa.""Ah. Opo, señorita. Maaga po talaga silang umaalis kapag weekends para maglaro ng golf."Tumango-tango si Faith. It's a good sign to make a move. May tutuklasin siya sa araw na iyon na magpapatahimik sa kanyang magulong isip."Gusto niyo po bang sumunod sa kanila?""Bakit? Marunong ba
"DARN!""Oh!" bulalas din ni Ollie nang magkagulatan sila ni Ponce."Anong ginagawa mo rito?"Napasulyap naman muna si Ollie sa ibabang katawan na natatapisan lang ng puting tuwalya. Kalalabas lang nito ng banyo nang magbukas ang pinto at iluwa niyon si Ponce na kauuwi din lang mula sa trabaho."Mas masarap matulog dito kaysa sa ospital."Naibigay ni Ponce kay Ollie ang password sa pinto ng bagong condo niya nang dalhin niya si Fate sa ospital after her breakdown with her allergy. Pinauna niya nang uwi ang kaibigan para tingnan ang mga naiwan niyang bisita noong birthday party niya. And it's his big mistake."Get out! This is invading private property!"Hindi man lang kinabakasan ng takot o pag-aalala sa mukha ni Ollie. Nilagpasan pa nito si Ponce habang tinutuyo ng isa pang bitbit na tuwalya ang basang buhok. "Nagluto na ako. Sabay na tayong kumain.""Hoy, Olliquiano! Umalis ka na bago pa uminit ang ulo ko!""Aalis ako bukas nang umaga. Kumain na tayo."Inis niyang sinundan ang kaibi
"LOOK. You're even checking yourself."Ibinaba ni Faith ang pagkakasapo niya sa ulo. At least pinakalma ng nakapa niyang makapal na buhok ang kaba na bigla na lang bumangon sa kanya sa pag-aakala na wala na siya sa katawan ni Fate."Muntik nang masira ang kutis ko dahil sa allergy.""So, who's fault is it?""Of course, you.""At bakit ako?""Naghanda ka nang hindi pang-masa."Kumunot ang noo nito. "What do you mean?""Sana inisip mo rin ang mga magiging bisita mo na may allergy. It's usually nuts, chicken, and seafood. Marami namang puwedeng ihanda.""Like what?""Pancit, spaghetti, biko, puto, lumpia, macaroni salad without chicken, and so on."Lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Ponce. "So, that's what you called, pang-masa.""Right. Everyone can eat it. Basta walang sahog na nuts, chicken, and seafood. Wala sana ako rito at tahimik mong nairaos ang birthday party mo.""Jeez!" Napailing si Ponce. "Those foods you mentioned na pang-masa are the foods na hindi mo kinakain.""No way.""
"ANAK...""Nay?"Masayang tinakbo ni Faith ang nakangiti rin na ina. Nakabukas na ang mga braso nito kaya dumiretso na siya nang yakap dito.Yes. That's the warmth she's been longing. Walang papantay o hihigit sa init na iyon."Miss na miss na po kita, Nay.""Miss na miss na rin kita, anak."Humiwalay siya sa yakap at pinagmasdan ang ina. "Nay, huwag niyo pong pabayaan ang sarili niyo. Baka hindi ko na po kayo makilala niyan.""Anak, huwag kang mag-alala. Alam mo bang mas makapangyarihan ang puso kaysa sa mga mata?""Nay, kapag nagbago po ba ang hitsura ko, makikilala niyo pa rin ako?""Oo naman. Anak kita. Makikilala kita kahit nakapikit ako.""Hindi po, Nay.""Ha?""Hindi niyo po ako dapat na makilala.""Bakit?""Dahil mamamatay ulit ako.""Huwag mong sabihin iyan. Malayo ka man, buhay na buhay ka lang lagi para sa akin.""Nandito lang po ako. Hindi ako lalayo.""Anak, tandaan mo na maghihintay ako."Napalingon si Faith. Ayaw niya pang umalis, pero may humihila na sa kanya pabalik s
NATAWA ang mga bisita na nakarinig sa sinabi ni Faith. At hindi na niya iyon mababawi pa. Kaya patay-malisya na lang siya."Mahal mo si Ponce? Wake up, girl! Kahit anak ka pa nang pinakamayaman sa buong mundo o ikaw pa ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, hindi mo siya mapipilit na mahalin ka!"Napataas siya ng kilay sa nang-uuyam na babae. "Hindi ko sinasabi na mahalin niya rin ako. Because I know that true love can't be forced. So, hahayaan ko na lang siya. Mas gusto kong mahalin na lang ang sarili ko.""What do you mean? Ang taong katulad mo na walang puso, hindi marunong magmahal.""Kung wala akong puso, bakit ako humihinga? Kailangan mo ba ng logic explanation?""B*tch! You're still the same even though you fell into a coma for months. At kahit yata ilang karayom o gamot ang iturok sa 'yo, wala nang magbabago sa ugali mo.""Hindi ako pumunta rito para makipag-away, okay? Nagbabagong-buhay na ako."Muling umugong ang nakakainsultong malakas na tawanan sa paligid."Bakit?" p







