BINUSOG ni Faith ang mga mata sa magagandang bagay na nakikita niya sa paligid.Bukod sa malawak at malaki ang bahay, marami roong mga gamit na unang beses niya pa lang nasilayan.Sa tulad ng pamilya niya na namuhay nang simple na kung minsan nga ay isang kahig, isang tuka pa, suwerte na sa kanila ang makaranas na makakita o makahawak ng mga mamahalin na bagay."Wow! Ang ganda nito, ah?"Napatingin naman si Let kay Faith na tangan ang isang golden statuette."Totoo ba itong ginto?""Opo. 24 Carat iyan.""Talaga? Puwede itong isanla?""Bakit po kayo magsasanla? Ang yaman-yaman niyo."Minsan ay nakakalimutan niya ang bago niyang papel sa bagong mundo na kanyang ginagalawan ngayon. "Ah, oo nga pala. Heiress ako. Pero maganda talaga ito," tukoy niya sa hawak pa ring golden statuette. "Timbang at tingin pa lang, gintong-ginto na.""Binili mo po iyan sa Mexico, señorita.""Mexico, Pampanga? ""Sa ibang bansa po."Nag-aasikaso si Lanie sa paghahanda ng komidor kasama ng ilang katulong kaya s
آخر تحديث : 2026-01-05 اقرأ المزيد