"NANAY, masakit po.""Faith, anak?""Nasaan ka po, Nay? Dito ka po sa tabi ko! Hindi po kita makita, Nay! Nasaan ka po? Nasaan ka po?""Faith, anak. Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan.""Nanay!""FAITH!"Napabalikwas si Thea mula sa pagkakahimbing dahil sa malakas na sigaw ng ina. "Nay?"Habol ang paghinga ni Nanay Berna habang pawisan ang noo. Tutop niya ang baba-taas na dibdib na naninikip sa sakit."Nay, okay ka lang?" sabay hagod nito sa likod ng ina.Pinagala niya ang tingin sa madilim na paligid na tanging ang bilog na buwan lang sa kalangitan ang nagbibigay tanglaw sa loob ng munti nilang silid."Nay, nanaginip ka po ba?""Si Faith," mahina niyang sambit habang hinihilot ang harap ng dibdib."Ho?""Napanaginipan ko na naman si Faith.""Nay -""Hinahanap niya ako." Hindi na napigil ni Nanay Berna ang mga luha. "May masakit sa kanya. At umiiyak siya."Agad pinigil ni Thea ang ina na binayo ang dibdib. "Nay, tatlong buwan na pong wala si Ate Faith. Hindi na
آخر تحديث : 2025-12-29 اقرأ المزيد