Third Person’s POVMuling nagkita sina Charlene at Black sa isang tahimik na restaurant sa Makati. Hindi ito engrande o mamahalin, hindi tulad ng mga pinupuntahan nila palagi.“Iba na naman ba ’to?” tanong ng dalaga habang nililibot ng tingin ang paligid.“Yeah. Napansin ko kasing hindi ka komportable sa mamahaling restaurant, kaya dito na lang. I hope you don’t mind,” sagot ni Black.“Hindi, okay lang. Maganda dito.”Kumain sila habang nagkukuwentuhan tungkol sa buhay at kani-kanilang karera. Ikinuwento rin ni Charlene ang mga nangyayari sa mansion, maliban na lang sa mga personal na bagay na may kinalaman kay Kerill.“Are you happy?”Natigilan si Charlene sa tanong na iyon. “Sa mansion? Oo naman,” sagot niya, may bahagyang pag-aalinlangan.“Mukha nga,” sabi ni Black. “Napapansin ko kasing nakangiti ka na paminsan-minsan. You know what, maganda ka pala kapag nakangiti.”“Ah, so sinasabi mong hindi ako maganda kapag hindi?” biro niya, kunwaring naiinis.“Uy, wala akong sinabing ganyan
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-08 Mehr lesen