Nakatayo siya sa labas ng school, payong ang hawak na halos wala nang silbi. Basang-basa. Hindi lang dahil sa ulan, kundi dahil sa biglang lamig na bumabalot sa kanya, kumakapit sa balat niya na parang hindi bibitaw. Nandito siya sa labas ng school ng mga bata, hinihintay sila kanina pa. Gusto sana niyang sya ang sumundo, pero nagtataka siya, magdidilim na, at wala pa ring lumalabas na bata. Malakas pa rin ang ulan.“Jusko… nasaan na ba kayo?” bulong niya sa sarili, habang sinusubukang humanap ng mas malaking masisilungan. Halos lahat ng waiting area puno ng ibang estudyante at guro na nagtatakbuhan palayo sa ulan. Wala siyang nagawa kundi bumalik sa kaninang maulan na tinatayuan niya, nakatingin lang sa kalsada. Medyo natatakot siya, medyo naiinis sa sarili, kahit may payong, basa pa rin siya.Biglang may dumating na kotse sa parking lot. Itim, malaki, tahimik. Napatingin siya. Nagtaka siya kung bakit andito si Kerill, naka-jacket, tuwid ang likod, tahimik, may intensity sa mata na p
Zuletzt aktualisiert : 2026-01-19 Mehr lesen