Third person's POVMarami na ang nangyari makalipas ang ilang taon...Sa Pilipinas na binurol ang mga labi ni Kerill at matapos ang isang linggo ay na-criminate na ang abo nito. Naging mahirap ang buhay na wala ang haligi ng tahanan pero dahil sa tulong ng pamilya ni Kerill kay Charlene at sa mga anak nito ay kahit papaano nakayanan ng dalaga ang ilang taong pangungulila sa asawa.Bago rin mamatay si Kerill ay pinaghandaan na nito ang lahat. Mula sa ari-ari an, sa mga mana at sa lahat ng kailangang asikasuhin sa burol nya. Iniwan nya ng malaking yaman hindi lang ang mga anak nya kundi pati na rin si Charlene.Ilang buwan lang ang nakalipas bago mawala si Kerill ay may malaking sorpresa ang yumanig sa mundo ng dalaga. Nalaman nitong dalawang buwan na syang buntis pero hindi nya ito kaagad napansin dahil kumpara sa normal na pagbubuntis ay wala syang sintomas katulad ng pagsusuka at paglaki ng kanyang tyan. Ito lang ay nalaman nya ng minsan syang pumunta sa doctor dahil masama ang kanya
더 보기