Charlene's POVIsang linggo.Isang linggo na ang lumipas, at masasabi kong oo, masaya ako. Masaya ako sa lahat ng ipinapakita niya sa akin, sa lahat ng effort niya para sa akin.Katulad ngayon, niyaya niya ako, kasama ang mga bata, mag-beach. Tatlong araw daw kami doon. Sobrang saya ko at hindi ko halos maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya. 'Yong saya na nakakatakot. 'Yong saya na alam kong may kapalit."Tita Charlene?"Bumalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Lily. Lumapit ito at umupo sa lap ko. "May kailangan ka ba?" mahinahong tanong ko. Umiling naman ito."Here... I made this for you. It's a gift to say sorry for everything," sabi niya at ipinakita ang laman ng maliit niyang palad.Natigilan ako at ganoon kabilis na nangilid ang luha ko nang makitang bracelet iyon. Hindi lang basta-bastang bracelet, kundi hand-made. Kulay puti iyon at may iba't ibang shapes ang beads."Ang ganda," sabi ko. "Let me po." Kinuha niya ang kamay ko at dahan-dahang isinuot doon ang
Zuletzt aktualisiert : 2026-03-05 Mehr lesen