"Let’s get some rest. We're leaving early tomorrow," he murmured again, his voice laced with exhaustion. Tumango lang ako at mas isiniksik ang sarili ko sa kaniya. Kinabukasan ay maaga kaming nagising. We had a quick breakfast in almost complete silence, pero hindi ito katulad kahapon. It was more of an unspoken understanding. "Are you done packing?" tanong ni Caleb habang isinisara ang kaniyang maleta. "Yup. Almost done. 'Yung mga art supplies na lang na binili mo kahapon," sagot ko habang maingat na inilalagay ang bagong sketchbook sa bag ko. Napansin niya ang paminsang-minsang sulyap ko sa trashbin sa tabi kaya nagpatuloy ako kunwari sa pag-iimpake. Mayamaya ay naramdaman ko ang paglapit niya sa akin, hanggang sa marahan niyang pinitik ang noo ko. "Don't even think about it, Little kitten. I told you, I’ll provide everything." "Aray! Oo na, ang kulit," reklamo ko, pero ang tingin ko ay napukol na sa trashbin na ’yun. Bago pa niya mahalata ang paninitig ko doon ay iniba ko n
Last Updated : 2026-02-16 Read more