Nagising ako kinabukasan na tila binagsakan ng langit at lupa ang buong katawan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko, hindi lang dahil sa puyat, kundi dahil sa matinding kaba sa kung anong mangyayari ngayong araw. Pero bago pa man ako makapag-unat ay isang malakas at sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpabangon sa akin. "Senyorita Liana! Senyorita, gising na po ba kayo?" boses iyon ng katulong, bakas ang matinding pagpapanic. Mabilis akong lumapit sa pinto at binuksan iyon, kahit medyo magulo pa ang buhok ko. "Bakit po? Anong nangyari?" "Naku, pasensya na po kung naistorbo ko ang tulog niyo at napalakas ang katok ko," hingal na sabi niya, pilit na inaayos ang suot na uniporme. "Galit na galit po si Senyora sa baba. Kanina pa po kasi tinatawagan si Senyorito Caleb pero hindi sumasagot. Ang masama pa po, nalaman ng Senyora sa mga guard na hindi pa pala umuuwi ang Senyorito simula kagabi pagkatapos niyang lumabas ng guest room!” Senyora? Ang mommy ni Caleb? Pero ano naman ang kinalaman ko
Last Updated : 2026-01-24 Read more