"Bwisit ka talaga," mahina kong sabi habang pinapahid ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. "Inis dapat ako sa’yo, e! Hayaan mo na nga ’yung b*liw mong kapatid." "He started it. He likes to play games, and he's using my past to get to you," seryoso niyang sagot. Kinuha niya ang cellphone niya sa side table habang ang isang kamay ay nananatiling nakahawak sa bewang ko, tila takot na takot na bigla akong kumalas. Sa harap ko, mabilis niyang binuksan ang settings. Nakita ko ang bawat pagpindot niya doon hanggang sa mapunta siya sa gallery. Without even a second of hesitation, he immediately deleted the photo. Pagkatapos ay pinalitan niya ang wallpaper niya ng picture naming dalawa sa villa. "There. Gone," aniya sabay pakita sa akin ng screen. "And if you want, I'll smash this phone right now para lang maniwala ka na wala na akong pakialam sa litratong 'yun." "Huwag! Ang mahal niyan, sayang," mabilis kong pigil sa kaniya. Napahinga ako nang malalim at pilit na ibinabalik ang wisyo
Last Updated : 2026-03-04 Read more