"Halika na, Marco," yaya ko sa kaniya. Naupo kami sa tabi lang ni Caleb, sa tapat nito at hindi sa mismong tabi niya. Medyo kinakabahan ako sa magiging takbo ng meeting na ito. Pero nang makita kong abala na si Caleb sa pag-scroll ng kung ano sa hawak niya ngayong tablet, kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. “Can we start now?" panimula ni Marco. Tumango ako bilang pagsang-ayon, kaya naman agad niyang binuksan ang dalang briefcase saka nilabas ang laman nitong mga papeles. "Ito na 'yung details ng organization na sinasabi ko sa'yo," aniya at ipinakita sa akin ang mga flyers at contract. "Bilang aspiring artist, bibigyan ka nila ng part-time job. Tulad ng sabi ko sa'yo, malaki ang pasweldo nila, at kapag nakita na nila ang potential mo, malaking chance na mabigyan ka ng full scholarship sa Japan. Tiwala ako na mabibigyan ka nila." Narinig ko na ito sa kaniya sa huli naming pagkikita pero hindi ko pa rin naiwasang mamangha. “Grabe pala, ’no? Imagine, part time lang pero mala
Last Updated : 2026-02-20 Read more