Para akong nauubusan ng hininga sa bawat paggalaw ng dila niya sa loob ng bibig ko. Ang kamay niya ay naglalakbay na sa likod ng ulo ko, itinutulak ako palapit sa kaniya na para bang ayaw na akong bigyan ng kahit isang pulgadang espasyo. Hindi ko alam kung bakit, pero sa halip na itulak siya, ay dahan-dahan kong ipinulupot ang mga braso ko sa kaniyang leeg, saka malugod na tinutugunan ang mga halik niya. Nang humiwalay siya, kapwa kami hinihingal. Titig na titig siya sa akin, ang mga mata ay bakas ang pagliliyab dahil sa pagnanasa. "You’re addictive, Liana… and I like it," bulong niya bago isinandal ang noo sa akin. At dahil ayaw ko pang malumpo ng husto, tumayo na ako at bahagyang lumayo sa kaniya ulit. "K-kailangan ko munang pumasok. Ang lamig dito, e," palusot ko na tinawanan niya. "Fine. Magpahinga ka sa sofa. May kukunin lang din ako sa sasakyan." Tumango lang ako at mabilis na naglakad patungo sa sala. Pagkaupo ko sa isa sa sofa doon, doon ko lang naalala na naiwan ko pal
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-02-08 อ่านเพิ่มเติม