Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lana… He called me Lana! Sigurado ako sa pagkakabasa ko sa paggalaw ng mga labi niya. Alam niya ang totoo! "Liana, let’s go," tawag ni Caleb nang mapansin ang paninigas ko sa kinatatayuan. “Liana…” tawag pa niya ulit sa akin nang hindi na ako nakagalaw. "O-oh? B-bakit—” "Tell me, what did he say?" Agad akong tuluyang natauhan nang naging matalim na ang boses niya. Ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay humigpit, habang ang tingin niya ay agad nalipat kay Lucas na ngayon ay kampanteng-kampante lang na nakaupo sa sofa habang umiinom. "W-wala. Sabi niya... goodnight lang," pilit kong sagot. Pero hindi naniwala si Caleb. "Liana, I'm not st*pid. I saw his mouth move. At bakit namumutla ka?" Hinarap niya ulit si Lucas na may tiim-bagang na galit. "What did you say to her, huh?! Put*ngina, hindi ka ba talaga titigil?!" Akmang susugod siya pabalik kay Lucas pero mabilis ko siyang niyakap sa braso at hinila paitaas. "Caleb, please! Tam
Last Updated : 2026-03-06 Read more