“Mayumi, kailangan nating mag-usap.”Isang sulyap lang ang ibinigay ni Mayumi kay Ysabel, sapat na para mabasa ang lahat, ang pagpapanggap, ang pilit na kabaitan, at ang nakatagong intensyon sa likod nito.“Wala tayong dapat pag-usapan,” malamig niyang sagot.Hindi siya huminto at dire-diretsong nilagpasan si Ysabel. Ngunit hindi nagpatinag si Ysabel. Sumunod ito ng ilang hakbang, tila hindi naaapektuhan sa pagiging malamig ni Mayumi.“Narinig ko kay Andra na pumunta ka raw sa Valerio Ancestal Mansion kanina,” wika nito, parang kaswal lamang ang tono, pero matalas ang bawat salita. “So alam mo na palang ibibigay ni Grandma sa’yo ang shares, ‘di ba?”Bahagya itong ngumiti, ngunit may halong panlilibak.“Limang taon kang nagtiis, nagpanggap na mahal mo si Xavier. Pero ang totoo, para lang iyon sa kayamanan ng Valerio family, tama ba?”Naningkit ang mga mata nito, puno ng paghamak. Isa itong bitag, alam iyon ni Mayumi. Isang maling salita lang... isang maling kumpirmasyon, at magagamit i
Read more