Biglang may naalala si Mayumi. Noong mga panahong iyon… lubos siyang nagmamahal kay Xavier.Ngunit sa kabila ng lalim ng nararamdaman niya, napakaliit lamang ng oras na naibibigay nito sa kanya. At dahil doon, hindi siya naglakas-loob na gambalain ito nang basta-basta.Sa halip, tinitiis niya. Hinahanap niya ang mga sandaling natitira sa araw nito. Kahit ilang minuto lang, kahit pahapyaw na oras, sapat na iyon para sa kanya. Tahimik siyang uupo sa tabi nito, minsan ay hindi man lang sila nag-uusap.Pero para kay Mayumi, sapat na ang presensya nito, ang makasama ito, ang makaramdam na kahit papaano, may lugar siya sa buhay nito.At ngayon, napangiti siya. Ngunit ang ngiting iyon ay mapait, masakit. Parang isang alaala na pilit niyang binubura, pero patuloy na bumabalik.Naalala niya ang sinabi ni Xavier kanina tungkol sa anak nila. Dahan-dahan siyang napatingin dito, at sa isang mahinang boses na halos bulong...“Ganito ba ang paraan mo para bumawi?” tanong niya.“Dahil sa pagkawala ng
Read more