Sebastian POVUmayos ako ng tayo sa gilid ng haligi malapit sa control booth. Ang baso ng scotch na hawak ko ay malamig na, halos natunaw na ang yelo, pero hindi ko pa rin iniinuman. Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko si Isabelle na nakatayo sa may gilid ng backstage habang kinakabitan ng lapel mic ng isang staff. Ang emerald green na gown niya ay sumasabay sa bawat dahan-dahang paggalaw niya. Medyo pinaglalaruan niya ang dulo ng kanyang stylus pen—isang senyales na kinakabahan siya, kahit na diretso at may kumpiyansa ang tindig niya."Bossing, dinodoble ko 'yung security layer ng video output sa projector," narinig ko ang boses ni Kuru sa earpiece ko. Medyo maingay sa background niya, halatang nasa loob siya ng sasakyan kasama si Seb. "In case subukan nilang i-hijack 'yung screen para magpalabas ng ibang profile, automatic na magla-lock ang main feed sa rendering ng Pine Haven.""Good. Keep monitoring, Kuru," sagot ko nang mahina, halos hindi bumubuka ang bibig habang pinalalabas kong
Baca selengkapnya