Isla Moretti POV Naka-awang ang bibig ko habang pinapanood si Kalix. Ang seryoso ng mukha niya, parang may dine-defuse na bomba sa pelikula. Inihiga niya si Sebastian Gabriel sa changing table na nasa gilid ng hospital bed. Ang laki ng mga kamay niya kumpara sa maliit na katawan ng anak namin, pero bilib ako sa ingat niya. "Rico, 'wag mo akong i-pressure," sabi ni Kalix nang hindi lumilingon. "Ang instruction sa video, dapat mabilis pero maingat para hindi siya malamigan." "Boss, pabaligtad 'ata 'yung diaper," puna ni Rico habang nakadungaw. "Dapat 'yung may tape, nasa likod." Napahinto si Kalix. Tumingin siya sa diaper, tumingin kay Rico, tapos tumingin sa akin. "Isla, pabaligtad ba?" Natawa ako at tumango. "Oo, Kalix. 'Yung may mga design na cartoon, 'yun ang nasa harap." "Fine," bulong ni Kalix. Inikot niya ang diaper at maingat na itinaas ang mga paa ni Sebastian. "Sorry, buddy. Unang pagkakamali ni Daddy 'to. Babawi ako." Si Sebastian naman, imbes na umiyak, ay parang nage
Baca selengkapnya