Sebastian POV Maaga pa lang ay gising na ako. Nakasanayan ko na yata na kahit gaano kapayapa rito sa Baguio, ang katawan ko ay laging naghahanap ng kilos pagpatak ng alas-singko ng madaling araw. Sinilip ko si Isabelle at Gabriel na mahimbing pang natutulog. Sa dilim ng kwarto, tanging ang mahinang paghinga lang nila ang naririnig ko. Dahan-dahan akong bumaba para magtimpla ng kape. Naabutan ko si Rico sa beranda, nakatitig sa fog na bumabalot sa buong garden. May hawak siyang baso ng mainit na tsaa, pero ang mga mata niya ay alerto, tila binabasa ang bawat galaw ng mga dahon ng pino. "Ang aga natin, Boss," bati ni Rico nang hindi lumilingon. "Sanayan lang, Rico," sagot ko habang sumasandal sa railings. "Kumusta ang paligid?" "Tahimik, Boss. Simula nung dumaan si Lorenzo, wala na tayong na-detect na kahit anong tail. Mukhang totoo nga 'yung sinabi niya na safe zone na natin 'to," ulat niya. Lumingon siya sa akin, medyo seryoso ang mukha. "Pero Boss, 'yung byahe sa Manila... sigur
Baca selengkapnya