Jae-young “Anak. Ako na ang bahal sa asawa mo dadalhin ko sa silid mo para madala gamit niyo,” wika ni Tatay nang makapasok kami sa bahay. “Tatay, ‘wag mo naman po awayin ang asawa ko,” saad ko niyakap sa braso si Ishmael. Hinaplos n'ya ang kamay ko yumuko sa ‘kin. “I know how Tatay feels, so don't worry, wife,” malambing na saad ni Dodong Ishmael. “Dapat lang dahil nag-asawa ang anak ko na wala akong kaalam-alam,” saad ng Tatay ewan kong parinig n'ya lang iyon o gusto lang talaga inisin ang asawa ko. Nagkatinginan kami ni Dodong Ishmael. Pero wala akong makita na pikon siya sa Tatay ko. Masaya lang talaga ang nakikita ko sa asawa ko kahit na inaaway siya ng Tatay ko. “Ayos ka lang ba dong? Magsabi ka lang kung hindi mo gusto—” “Lahat tanggap ko, wifey. Kahit na pagalitan nang pagalitan ako ni Tatay. Hindi ako lalaban,” saad n'ya habang inaayos ang buhok ko kahit hindi magulo panay n'ya iniipit sa likuran ng tainga ko. “Dahil diyan may premyo ka sa ‘kin,” biro ko ngumi
Last Updated : 2026-02-25 Read more