Jae-young Lumapit siya sa ‘kin nang kaunti. Hinawakan n'ya ang kamay ko dinala sa labi n'ya at hinahalik-halikan. “Wife,” bulong n'ya. “Dong?” “I miss you,” sagot n'ya kaya napakunot noo ako. “Seryoso? Magkasama lang tayo sa munisipyo? Araw-araw din tayong magkasama," natatawa kong sabi. “Hindi iyon ang gusto kong sabihin,” “Ikaw talaga,” saad ko nang maintindihan ko ang gusto n'yang ipahiwatig sa 'kin. Ngumiti siya at pagkatapos dahan-dahan n'ya akong hinila palapit sa kaniya. Kinulong niya ako sa braso niya. Kahit basa na kami at dapat ay nilalamig na ako ngayon. Baliktad ang nangyari. Dahil ang init ng yakap niya hindi alintana kahit malamig ang tiles sa paa namin. “Binitin mo ako kanina, wife,” an'ya animo nagtatampo o nagpapaalala na kailangan bayaran siya. Natawa ako hindi siya maka move-on aba. “Eh, nagutom ako,” wika ko hindi nawawala ang pagkaaliw sa kaniya. Napatili ako nang bigla na lamang akong umangat sa tiles, at dinala n'ya ako sa bathtub sabay binuksan ang gri
Read more