Jae-young "Teka lang paano mo nagawa iyon?" tanong ko tungkol sa pagsugod n'ya sa mga Punsalan. Nakataas ang kilay ko 'wag s'yang magkakamali ng sagot. “Maraming connection iyan si, Boss. May kaibigan ba naman na agent. Hindi talaga papalag iyang mga Punsalan in-small nila si, boss mayor,” sumabat si Kuya Locerio. “Nasaan pala ang kaibigan mong agent?” “Umuwi na rin siya pero darating iyon sa kasal natin kaya makikilala mo rin siya," sagot niya nilapitan ako hinalikan ako sa gilid ng ulo ko. “Pero kumusta naman si, Jelay? Dong, okay lang ba siya? Pwede ko ba siya masilip ngayon?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya. “Hey, calm down, wifey,” sagot niya. E, paano ako magiging kalmado kung kapatid ko iyon kaya nga napasugod ako ngayon dahil nag-aalala ako kay Jelay. “Daddy, mommy, upo muna kayo,” kinuhit kami pareho ni Seven. Napangiti kami ni Dodong Ishmael, yumuko sa kaniya. “Ayan inutusan na tayo ng anak natin,” sabi ni Ishmael kinarga si Seven at umakbay naman siya sa ak
Read more