Jae-young “Wifey ang tagal niyo,” wika nito parang naiinip na pagkatapos kinuha sa kamay ko ang bitbit kong bag. “Ito kasi kapatid ko, ang tagal niyang mag-isip kung sa Villa ba siya mag-stay. Gusto n'ya mag-hotel na lang, dong,” sumbong ko sa kaniya kaya nakasimangot si Jelay, humagikhik ako. “Maraming guest room ang Villa, welcome ka roon anytime mo gusto pumunta,” kaswal na sagot ng asawa ko pagkatapos nilahad ang kamay n'ya kay Jelay. “Ako na magdala ng bag mo,” wika pa niya. “Ibigay mo na sis, aba! Mayor Ishmael na iyan nag-aalok sa iyo," wika ko sa kapatid ko. “Mayor okay lang ako,” sabi nya tila nagulat pa ang kakambal ko sa biglang alok ng asawa ko. Ngumiti ako. “Chilax sis, guest ka namin kaya ganiyan ang asawa ko,” wika ko ngunit hindi talaga pumayag. Napatingin sa akin si Jelay na parang hindi siya makapaniwala. “Ganiyan talaga kami kapag bisita gagawin lang namin pasahero,” wika ko sa kaniya. “Pero nakakahiya talaga kay mayor kaya okay lang ako na,” laban n'
Read more