Jae-young "Mas lalong hindi kita type na hambog ka," bubulong-bulong ako narinig niya sinamaan niya ako ng tingin. "Siguraduhin mo lang babae, kasi kanina nga lang pagdating ko natulala ka na—" “May sasabihin pala ako sa ‘yo,” saad ko hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. “Uy si mommy, may sasabihin kay daddy," nanlaki ang mata ko pero inasar pa rin ako ni Seven. "Ehehe. Nahihiya pa si mommy mag ‘i love you ‘ kay daddy,” saad ni Seven kaya roon ako nasamid. Pero daddy niya anong nakatatawa bakit nakitawa kay Seven. Seryoso alam na ito ni Seven? “Hey, Seven. Saan mo iyan natutunan. Jusko anak ko, two years old ka pa lang anak. bakit alam mo na iyan,” wika ko namumula rin ang pisngi ko. Lalo na, dahil natigilan si Ishmael, seryosong nakatitig sa mukha ko. “Sa kapitbahay po,” saad ni Seven, bumungisngis pa nang pandilatan ko ng mata. Aba umalis sa sofa, at nagtungo pala ng banyo si Seven kaya naka lugar ako para harapin si Ishmael. Inirapan ko si Ishmael na hanggang
Last Updated : 2026-01-15 Read more