C-25 Jeselle “Apple Grapes, saan ka pupunta?” "Susundan si Ate Jeselle. Ate, baka hindi kinaya dalhin mga pagkain natin tutulong ako sa kaniya," tugon n'ya sa pinsan namin ni Amhella. Boses kasi iyon ni Amhella, kilala ko naman lahat ng boses ng mga pinsan ko kaya alam ko. Nanlaki ang aking mata pagkarinig sa boses ni Amhella at Apple Grapes, sa labas. Mabilis akong umatras para bumalik sa kanila. Subalit bago pa ako makarating sa pinto nahuli ako ni Seven, hinapit ako. "Seven, ano ba baka maabutan tayo ng bunso mong kapatid!" may inis na saad ko sa kaniya. "And so? Gusto ko nga iyon para isumbong n'ya ako kina daddy at mommy," wala pakialam na sagot ni Seven. "Ano?! Isa, Seven. Bitiwan mo na ako malapit lang boses ni Apple Grapes, baka nasa pinto na iyon." “Sabihin mo muna na mahal mo ako,” nakangisi nyang utos at tila may pilyong ngisi naglalaro sa labi nito. Bwisit. Nanimahasa huh! "Kung hindi ko sabhin sa iyo anong gagawin mo sa akin?" "Seryoso ka mahal na gu
Read more