เข้าสู่ระบบC-28 Jeselle "Pero Gillian, nag-aalala ako sa daddy at mommy ko," bigla akong sumeryoso. Natigilan siya saglit akong pinagmamasdan. Pero ngumiti ako at niyaya na lamang siya na bilisan na lang namin at 'wag na niyang sagutin ang sinabi ko sa kaniya, baka kasi nasa room na namin ang professor sa first subject paktay kaming dalawa. "Mahirap nga iyan Jess, pero kung mahal mo naman siya at handa naman humarap ni Seven. Edi, ipaglaban mo siya." Pumaling ako ng tingin sa kaniya. Naglalakad na kami bigla tuloy akong napatigil. Tipid akong ngumiti sa kaniya. Mabuti pa itong dalawa kong kaibigan matapang. Ako kaya, kailan magkakaroon ng tapang? Pero paano nga ako magkakaroon ng tapang kung pinaiiral ko agad ang takot at sasabihin ng ibang tao. Pumasok na lang kami ni Gillian ng classroom. Hindi ko pa rin siya nabigyan ng sagot. Mabuti nga hindi na siya nagtanong pa nakauunawa yata itong kaibigan ko nag-iisip pa ako. Nauna na sa 'min si Jazper. Kumaway lang ako sa kaibigan ko dahil na
C-27 Jeselle Paglabas ko ng gate nandoon na si Seven. Nakasandal siya sa kotse niya. Nakangiti siya halata ang kasiyahan sa kaniyang mata. “Hey,” bati niya, sabay bukas ng passenger seat. Pero hindi ako muna pumasok dahil narinig ko ang pagbukas ng main door. Nakangiti si mommy kumaway sa akin. Ganun lang naman ang ginawa niya, pagkatapos sinarado niya ulit ang pinto. Wala si dad pero mas okay na rin kasi ang seryoso talaga n'ya. Napanguso ako nang nakataas kilay ni mommy, kasi sabi n'ya hindi na ako ihahatid pero hinatid din pala ako ng palihim. Nakatingin pa rin ako sa pinto ng tumikhim si Seven. “Sabihin mo lang kung ipaaalam ko na sa Tito Atlas at Tita Andrea. Kaya kong humarap sa kanila." “Hi, a-at saka na lang natatakot pa ako,” sagot ko, nauutal pa at pilit na ngumiti sa kaniya. Pansin ko nga, gustong-gusto ni Seven magsabi sa parents ko. Ngayon nga nang tumanggi ako nakita ko tipid na lamang siyang ngumiti sa desisyon ko. Nag-alala tuloy ako baka nagalit si Seven.
C-26 Jeselle "Ate Jeselle, mauuna na ako maaga pa kami aalis bukas patungo Samar," nauna magpaalam si Apple Grapes at talagang umahon na rin pagkatapos n'yang magpaalam. Napangiti pa ako ng mangatal ang labi niya habang nagsasalita. Kasi medyo may hangin din kaya malamig. Baka nga ganun din ako kapag umahon ako. Kasi kapag nasa ilalim ng tubig mainit naman 'wag lang talaga aahon dahil doon ang mas malamig. "Sabay na tayong lahat. Malapit na rin naman twelve ng gabi may pasok din kami sa school," sagot ko sa kaniya lumakad na rin ako patungo sa mababaw na bahagi ng swimming pool para umahon na rin. "Ikaw Amhella, kung gusto mo pa nandito naman si Layvee—" "Sasabay na ako. Inaantok na rin ako," maagap na tugon ni Amhella at lumakad din siya sumunod sa akin. Sumunod din ibang mga pinsan namin maging si Layvee. Siya rin dawa inaantok na. "Tayo na kung ganun. Woah! Malamig na rin pala talaga," wika ko at totoo naman hindi lang ako ang nanginig pati sila Apple Grapes, nakita ko
C-25 Jeselle “Apple Grapes, saan ka pupunta?” "Susundan si Ate Jeselle. Ate, baka hindi kinaya dalhin mga pagkain natin tutulong ako sa kaniya," tugon n'ya sa pinsan namin ni Amhella. Boses kasi iyon ni Amhella, kilala ko naman lahat ng boses ng mga pinsan ko kaya alam ko. Nanlaki ang aking mata pagkarinig sa boses ni Amhella at Apple Grapes, sa labas. Mabilis akong umatras para bumalik sa kanila. Subalit bago pa ako makarating sa pinto nahuli ako ni Seven, hinapit ako. "Seven, ano ba baka maabutan tayo ng bunso mong kapatid!" may inis na saad ko sa kaniya. "And so? Gusto ko nga iyon para isumbong n'ya ako kina daddy at mommy," wala pakialam na sagot ni Seven. "Ano?! Isa, Seven. Bitiwan mo na ako malapit lang boses ni Apple Grapes, baka nasa pinto na iyon." “Sabihin mo muna na mahal mo ako,” nakangisi nyang utos at tila may pilyong ngisi naglalaro sa labi nito. Bwisit. Nanimahasa huh! "Kung hindi ko sabhin sa iyo anong gagawin mo sa akin?" "Seryoso ka mahal na gu
C-24 Jeselle Nanlaki ang mata ko ng niyakap niya ako. Hindi ako nakagalaw sa higpit ng yakap niya. Pero ang mas kinabahan ako, nang naamoy ko ang hininga n'ya amoy alak humalo iyon sa natural n'yang hininga. "A-ano ang ginagawa mo rito?" kinakabahan na tanong ko pero hindi ko naman siya magawang maitulak. "Mahal, relax. Wala akong gagawin sa iyo," masaya ang boses na bulong n'ya. Nag-angat ako ng tingin nakayuko pala siya sa akin. Pero ang lungkot ng kaniyang mata kahit nakangiti. Napapikit siya nang hinalikan ako sa noo ko. Nagtagal din ang halik niya sa noo ko. My God, bakit gusto ko na sabihin sa kaniya na mahal ko rin siya na handa na akong suwayin ang lahat nang hahadlang sa 'min. "Kanina pa ako dumating, kaalis niyo lang sabi ng Tita Andrea, hindi ako makalapit mag girls kayo lahat," aniya at naramdaman ko rin na humalik-halik siya sa gilid ng ulo ko, kaya napatda ako. Shit! Hindi ako makaisip ng matino habang nakayakap siya. Natatalo ako dahil miss ko na rin siya.
Jeselle C—23 “Mommy, diba rito matutulog sina Tito Ishmael?” tanong ni Layvee nang nasa hardin na kami inaayos ang mga table at mga pagkain. Kumunot ang noo ko sa bigla-bigla na tanong nitong kapatid ko. Ano naman kaya ang naisip nitong ni Layvee. Kung ano na lang maisip tsk. “Oo daw anak, bakit mo pala tinatanong?" tugon ni mommy sa kaniya. “Sabi ko po kasi kay Jeselle, mag-swimming kami isasama namin si Apple Grapes at ibang mga pinsan. Girls bonding," ani Layvee. "Iyon lang ba? Akala ko kung ano na. Pwede rin naman anak. H'wag lang kayo magtagal, kasi madaling araw ang uwi ng mga Tito niyo kasi may pasok ang mga pinsan niyo.” “Hanggang ten lang po kami kasi may pasok din naman kami mommy,” sagot n'ya nakikinig lang ako. "Ikaw Jeselle anak napansin ko masyado kang tahimik. May sakit ka ba, hija? Sabihin mo lang okay lang naman na hindi ka bumaba," aniya pinagmasdan ako ni mommy sa mukha ko. "Okay lang po mommy," tipid kong sagot sa kaniya. "Napansin ko rin hindi
Jae-young “Wife?” Napatda ako't biglang lumingon sa kaniya. Hindi pa naman ako tuluyang nakarating sa hagdan kaya babalikan ko na lang siya. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakararting sa sofa aba'y bumangon na si Dodong Ishmael. "Ay kagago mo!" bigla kong nasambit at natampal ko ang noo ko, dah
Jae-young “Wifey,” naulinigan ko tinawag ako ni Dodong Ishmael nang nasa harapan ako ng salamin nagsusuklay. Nagbihis pa kasi kami mag-asawa. “Ang ganda mo, wifey,” bulong n'ya nakarating na pala sa likuran ko't niyakap niya ako. “Ikaw rin ang pogi mo mayor,” nakangiti na tugon ko sa kaniya at
Jae-young “Wife, kaya hindi kita pinababa dahil yayain pa kita mag-date tayo, sasamahan ka ba?” tila naninimbang na tanong niya. “Nang tayo lang?” tugon ko sa kaniya bigla siyang bumuntonghininga kaya nagtaka tuloy ako tinanong ko. "Bakit Dodong Ishmael?" “Ayaw mo ba, wifey?” sagot niya at na
Ishmael pov Akala ko tapos na ang kaba ko kanina sa meeting ng mag-update si Locerio na naroon iyong Jonas sa grocery store at nilapitan ang misis ko. Ngayon kabado ako dahil wala yata naalala ang asawa ko na dalawang buwan na kaming kasal. Ngayon ang araw kung kailan kami ikinasal. Tumikhim ako







