C-02 Seven pov “Kuya Bruno. Okay lang po ba kung ako na lang ang mag-isang pupunta sa school nila, Jeselle? Nandoon naman po sina Tito,” pakiusap ko sa kaniya. Ngumiti ito tinapik ang balikat ko. “Dahil favorite kitang amo. Papayagan kita at ako na ang bahala sa daddy mo.” “Maraming salamat po Kuya Bruno,” masayang tugon ko sa kaniya. “Parang kailan lang three years old ka pa lang unang dinala ka sa Villa. Pero ngayon, binata ka na. Sunod n'yan may mga apo na sina Mayor at Ma'am Jae,” sabi n'ya napangiti ako dahil hanggang ngayon ‘mayor’ pa rin minsan ang tawag nila kay daddy. “Grabe naman sa magkakaapo agad,” tugon ko kasi hindi ko pa iyon naisip. Ang bata pa ni Jeselle, kahit na ako nasa hustong edad na pero hindi pa ako nakatapos ng college. Mahirap pantayan ang yaman ng mga Martinez, kahit dito lang sa pagtatapos ng college mayroon ako maipagmamalaki sa kanila. “Matagal pa ba?” sagot n'ya may halong panunukso. “Bata pa nga pala ang babaeng minamahal mo," dagdag n'ya k
続きを読む