C-14 Jeselle “Seneryoso masyado. Of course magseseslos ako dahil tayo ang bestfriend simula bata pa, pero hindi kita naging classmate. Tara na gutom na ako,” natatawa n'yang sabi inakbayan pa ako kaya ayon sa amin ulit nakatingin pagpasok sa entrance ng canteen. Naka order na sina Jazper at Gillian pagdating namin. Pati si Kuya Seven in-orderan nila. Hindi naman din ito pihikan sa pagkain kaya pagkatapos n'yang magpasalamat sa dalawa kong kaibigan, kumain na rin kami. “Kung nanliligaw ka rito kay Jess. Kailangan dumaan ka muna sa akin,” maya-maya saad n'ya kay Jazper, kaya nasamid ako nakakunot noo binigyan ako ng tubig. “Jess, dahan-dahan lang kasi,” pisti galit pa nakabibigla naman kasi sinabi n'ya kay Jazper kaya hindi lang din ako ang nasamid. Maging sina Jazper at Gillian, ay ganun din hanggang ngayon pa nga paubo-ubo ang dalawa. “Tatandaan ko iyan Kuya Seven,” tugon ni Jazper sa kaniya dumilim ang mukha n'ya. “Kumakain tayo ha? Umayos kayo,” bigay babala ko hindi l
Read more