C-35 Jeselle “Alam mo ba kung saan iyong hotel?” tanong ko kay Seven nang makalabas kami ng gate sa bahay. Natawa siya sa tanong ko, aba malay ko naman kung hindi n'ya alam. Kasi dati naman mayroon siyang driver si Kuya Bruno at bago lang talaga siya nakapag solo sa biyahe. “Hindi kita ililgaw kahit na gustong-gusto kita ipagdamot dahil ang ganda mo maraming lalaki hahanga sa iyo.” “OA mo naman parang ako lang ang maganda roon baka nga mas maganda pa si Sabine. Iyon ngang hindi okasyon maganda at sexy na si Sabine, lalo na ngayon dahil may okasyon,” saad ko. “Pero isang babae lang talaga ang pinakamaganda para sa akin,” sabay saglit akong tiningnan. “Ikaw lang wala nang iba,” “Kahit ang Tita Jae at Tita Jelay?” Mahina s'yang tumawa. “Ibang usapan naman kasi sa dalawa kong mommy,” masaya n'yang tugon napangiti ako roon sa sinabi n'ya. Sa venue punong-puno ng ilaw at music. May DJ, may photo booth, may pagkain at may alak. Parang hindi university event, kundi prom na s
Read more