Bibitaw sana ako pero humigpit ang yakap ni Anzel sa baywang ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Nakita ko sa mata niya ang determinasyon na ipaglaban ako kay mama. Dati mabigat ang dibdib ko, ngayon ang gaan gaan na nito. Tumingin ako kay Anzel. Siguro dahil inamin ko na ang totoo at hinayaan ang puso ko na pagbigyan ang taong mahal ko. ‘Pasensya na, ma. Ayoko ng lokohin ang sarili ngayon. Pipiliin ko si Anzel… naniniwala ang puso ko sa kanya!’ Gumanti ako ng hawak sa kamay niya. Nakita ko ang paglamlam ng mata niya, naroon ang umaapaw na tuwa kagaya ng nararamdaman ko ng mga oras ‘yon. “Natalia, magpaliwanag ka. Makikinig ako sayo. Alam ko na hinaharass ka lang ng lalaking ‘yan. At ikaw, Anzel, kailan mo titigilan ang anak ko. Ikakasal na siya kay Kaleed, wag mo na siyang guluhin!” Alam kong nag aalala lang si mama, lalo na ngayong may anak na ako. Yung galit niya ay may rason, dahil mahal niya kami ng anak ko. Pero wala naman masama magbigay ng pangala
Read more