Tumikhim si Anzel pagkatapos kumanta. Tumingin ito sa direksyon ko at mataman na tumitig sa akin. “I’m really sorry, Mine. I admit, minsan insensitive ako, unreasonable, at pinapangunahan ng selos. Nagwawala ang dibdib ko sa tuwing naiisip kong maaagaw ka ng iba. I know it’s wrong but damn. Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Baliw na baliw na yata ako sayo kaya kahit sino handa kong balian ng buto mabigyan lang sila ng babala na hindi lang iyon ang aabutin nila sa oras na agawin ka nila.” Nilahad nito ang kamay na may hawak na bulaklak. “I’m sorry, mine. I’m sorry kung ganito ako magmahal. Patawarin mo ako dahil kahit kasal na tayo ay natatakot pa rin ako na agawin ka ng iba. Wala akong intensyon na masama, may tiwala ako sayo. Ayoko lang bigyan ng pagkakataon ang kahit sino na makalapit sayo.” Nainis talaga ako at nasaktan noong sinabi niya na natatakot siya na maagaw ako ni Victor. Nainsulto talaga ako. Pero habang pinakikinggan ko ang asawa ko at naisip ko kung ako ang na
Read more