(Natalia pov) “Saan ba kasi tayo pupunta?” Tanong ko kay Anzel habang nakatakip ang dalawang kamay nito sa mata ko. Niyaya kas ako nitong umalis kanina. Hindi naman nito sinabi kung saan kami pupunta kaya kanina pa ako nanghuhula. “Wag mo sabihin na itatanan mo na ako?” Biro ko. Tumawa ito sa sinabi ko. “I hope you like it, mine.” Pagkatanggal niya ng kamay at tumambad sa harapan ko ang pinapagawa niya dating bahay. Tapos na ito ngayon at mukhang pwede ng lipatan. Tumingin ako sa kamay ko ng ilagay niya ang susi ng bahay sa kamay ko. “If there’s a marriage proposal, I guess there is also a proposal to live with me.” Tumingin siya ng may pagsamo sa mata ko. “Let’s build our family here, mine. Sumama ka na sa akin, kayo ni Natnat sa akin. Walang saysay ang bahay na ito kung wala kayo ng anak natin.” Nag init ang sulok ng mata ko. Yung mga kataga na pinangarap ko lang noon na marinig sa kanya, mga kataga na matagal ko ng gustong maranasan ay nangyari na. Sinaktan niya ako noon p
Read more