(Third person pov) “Ma’am, nasa sala si Sir Anzel hinihintay kayo.” Kumunot ang noo ni Miracle. Ano ang ginagawa ng kapatid niya dito? Hindi naman ito bumibisita ng walang dahilan. Maliban na lang kung importante ang sadya nito. “Sige bababa na ako. Maghanda kayo ng meryenda pakidala na lang sa sala.” “Yes, ma’am.” Napatili siya ng bigla siyang halikan ng asawa sa leeg. Kalalabas lang nito sa bathroom, nakatapis lang ito ng tuwalya, basa ang buhok nito, may tubig na tumutulo galing ro’n. Kagaya noon, her husband looks so perfect. Nagkaedad na lahat-lahat ay hindi pa rin ito nagbabago, napakagwapo pa rin nito, pati ang katawan ay makisig na tila hindi nagkakaedad. “Ano ba, babe… may bisita ako sa baba kaya tigilan mo muna ako,” ani Miracle sa pagitan ng hagikhik. Kumunot ang noo ni Prime. “Nasa baba daw si Anzel.“ pati ito ay nagtaka sa sinabi niya. “Mukhang mahalaga ang sadya ng kapatid mo.” Ngumuso siya at umikot ang mata. Natawa ito ng mahina ng makita ang pagka
Read more