Nagulat si Leisa ng makilala sila mommy at ate Miracle. Napanganga ito ng makilala ang mga ito. Akala ng kapatid ko ay namamalikmata lang siya. Pero ng kamayan siya nila mommy ay napanganga ito. Kahit nga ako ay hindi makapaniwala na mapapabilang ako sa pamilya ng mga Quinn. “Ate, sigurado ka ba na… sila ang pamilya ng asawa mo? Ibig sabihin… yung si Anzel Quinn ang asawa mo?” Tumango ako. “Siya nga, Leisa. Kilala mo siya?” Tumango ito. “Ate, sinong hindi nakakakilala sa kanila? Sikat kaya sila at mayayaman pa. Akala ko mayaman lang ang asawa mo, hindi mo sinabi na napakayaman pala!” “Ahm. Pwede ko ng bitawan ang kamay ko, Leisa.” Napatingin kami kay ate Miracle. Hanggang ngayon pala ay hindi pa siya binibitawan ni Leisa. Napapadiin ang hawak nito kaya napapangiwi si ate Miracle. “Naku! Naku sorry po!” Hingi ng paumanhin ng kapatid ko. Pati tuloy si mommy Aiah at natatawa na. Nag order ulit ng pagkain sila mommy para sa kapatid ko. Naawa ako habang pinapanood ko ito. Ayaw
Read more