Sinuri ng paaralan ang mga kuha sa CCTV, isa-isa, maingat, at walang pinalampas. Sa bawat segundo ng footage, unti-unting nabuo ang malinaw na larawan ng nangyari. Natukoy ang mga estudyanteng sangkot sa pambubully, at walang pag-aatubili, naglabas ang administrasyon ng pampublikong pagsita laban sa kanila.Hindi man ito agad naramdaman ng buong kampus, ang epekto nito ay parang alon—dahan-dahang kumalat, ngunit may bigat.Nalaman ito ni Amarah nang ipatawag siya ng kanyang counselor sa opisina.Habang papalapit siya, tila mas bumibigat ang bawat hakbang niya. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa loob. Isang pag-uusap, isang paghusga, o isa na namang katahimikan na walang saysay.Pagbukas niya ng pinto, sandali siyang napatigil.Nandoon ang isa sa mga babaeng nambully sa kanya kagabi.At nang mapansin niya si Elijah, na tahimik lamang na nakatayo sa gilid, parang isang matatag na haligi—bahagya niyang naunawaan ang nangyayari.“Amarah, pumasok ka,” mahinahon ngunit may
Baca selengkapnya