Halos mamula nang todo ang mukha ni Ysa, na para bang bulkan na kahit ano mag oras ay handa nang pumutok.“Hindi ganong klaseng tao si Professor Elijah,” depensa niya. Mahina ang boses, ngunit mariin ang paninindigan. Para niya iyong ipinagtatanggol hindi lamang sa kaibigan kundi pati sa sarili.Umiling si Trish, sabay taas ng kilay at pag-krus ng mga braso.“No, no, no, Ysa,” sabi niya, tila eksperto sa paksa. “You don’t understand men. Kahit gentleman si Professor Elijah, he still has desires. Tao lang din siya. Otherwise, paano nagkaroon ng baby sa tiyan mo? You two are one in mind.”“……”Parang biglang lumamig ang hangin sa paligid ni Ysa.Kinabahan siya, hindi dahil sa sinabi ng kaibigan, kundi dahil sa alaala na kusang sumingit sa isip niya.Ilang buwan na ang lumipas.Ngunit malinaw pa rin sa kanya ang unang gabing nagtagpo sila ni Elijah.Ibang-iba ito noon. Hindi ito ang mahinahon, kontrolado, at laging may malinaw na lohika sa bawat salita. Noong gabing iyon, mabigat ang tin
Última actualización : 2026-02-27 Leer más