Hindi inaasahan ni Ysa na ang mga kaswal niyang salita, na para bang itinapon lamang sa hangin ay sasagutin ni Elijah nang ganoon kaseryoso.Sa mundo, maraming tao ang sanay tumingin sa iba na parang manonood lamang. Nakatingin sa entablado, pumapalakpak sa galing ng iba, ngunit hindi nakikita ang sariling liwanag. Madalas, mas malinaw pa sa kanila ang kagandahan ng iba kaysa sa sarili nilang kakayahan. Hindi rin naiiba si Ysa.Hindi niya kailanman naisip na espesyal siya.Para sa kanya, siya ay tahimik. Minsan, tinatawag na suplada. Madalas ay nakayuko sa libro. Wala halos alam kundi magbasa, magsulat, at manahimik.Noong panahong pinili ni Sebastian si Bianca, may parte sa puso niyang nagtanong.“May kulang ba sa akin?”“Mas maganda ba si Bianca? Mas mabait? Mas kaaya-aya?”Nang mga panahong iyon, kahit si Trish ay minsang nagsabi nang pabiro, “Ysa, you should at least try to smile more. You look too unapproachable.”At si Bianca, sa isang pagkakataon, ay tila nagbulong sa hangin, “
Last Updated : 2026-03-02 Read more