“Ginamit kita, Niro,” matigas niyang diin. “I played the sweet, runaway bride, and you fell for it. Kung hindi lang ako na-double cross ni Marcus. Tatakasan narin sana kita, nasa ibang bansa na sana ako ngayon, nagpapakasarap sa pera mo.”“Paano ang anak natin?” nanginginig ang boses kong tanong. Tiningnan ko ang tiyan niya. “Kasama ba siya sa plano mo? Ginamit mo rin ba ang bata para makuha ang tiwala ko?!”Nakita kong bahagyang nanginig ang mga labi niya, pero mabilis niyang kinagat iyon at muling binalik ang blangkong emosyon. Tumawa siya nang mahina, isang tawang ni minsan hindi ko narinig mula sa kan’ya.“Ah, the baby,” malamig niyang sabi, tumingin sa tiyan niya na parang nandidiri siya. “Naiwala ko na nga ang unang pagkakamali ko sa’yo, a.k.a, the baby number 1 at ngayong. Isa uling malaking pagkakamali.”Naiyukom ko ang kamao ko! Is she fucking real? Kung nagpapanggap man siya sa lahat ng sinasabi niya, paano niya naatim sabihin yun sa mga anak namin.Pakiramdam ko’y bigla ako
続きを読む