“Well, well, well,” panimula ni Marcus, ibinaba ang hawak na tasa ng kape. “Look who finally decided to wave the white flag. Niro Figarlan, the fallen king.”Hindi ako nagsalita. Pumasok ako sa loob, kasunod si Nigel at ang mga abogado ko. Naupo ako sa kabilang dulo ng mesa, direktang nakaharap sa kaniya. Tinitigan ko siya. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa nakabulagta ang lalaking ito.“Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa, Marcus,” malamig kong sabi. Ibinaba ng abogado ko ang isang makapal na folder sa ibabaw ng mesa. “Nandito ang mga papeles. This is what you want, right? Ang tuluyan kong bitawan ang kumpanyang ito para mapunta sa'yo lahat.”Tumawa nang nakakainsulto si Marcus. Umayos siya ng upo at inilapit ang mukha niya. “Oh! Yes, yes nabingo mo!”Umigting ang panga ko. Kumukulo ang dugo ko sa bawat salitang lumalabas sa marumi niyang bibig. Pilit kong ibinababa ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa para hindi niya makita ang panginginig ng mga kamao ko.“Pipirma na ako,” k
Read more